“Makapaghihintay ang Amerika” ni Dionisio S. Salazar
Ang dulang aking nabasa ay
ang “Makapaghihintay ang Amerika” ni Dionisio S. Salazar. Base sa aking nabasa
mangyaring dalawa ang aking perspektiba sa dulang ito. Una, nakapokus ang
dulang ito sa mga nangyayari sa lipunan kung gaano na katalamak ang mga krimen
sa bansa, ang hindi makatarungang hustisya sa gobyerno at ang hindi maayos na
sistema ng bansa na nagiging sanhi ng kahirapan. Pangalawa, mayroon isang linya
sa dulang ito ang nakapukaw ng aking pansin ang mga salitang “Ang isang
maysakit, gaanu man kalubha ng karamdaman ay may pag-asang gumaling” dito
naipahayag ng husto na kahit ang sakit
ng isang bansa ay makakayang maiahon ang lipunan kung magtutulungan ang bawat
mamamayan. Kung mayroon kooperasyon ang bawat isa ay maisasaayos ang bansa.
Ang pamagat nito ay angkop at wasto sapagkat
naipakita sa dulang ito ang mga binipisyo
na makukuha kung sa Amerika magtratrabaho si Fidel, naipahayag din ang mga
pupuwdeng mangyari kay Fidel sa Amerika. Ngunit, may ibang bahagi sa pamagat nito ang hindi angkop dahil nakapokus
ang dulang ito sa sakit ng lipunan na nararanasan ng Pilipinas sa hindi
makatuwirang pamamalakad ng mga politiko at hindi maayos na sistema ng bansa.
Si Dionisio S. Salazar ay alagad ng Sining na
tubong Nueva Ecija at hindi matatawaran ang kaniyang husay at galing sa
pagsulat ng mga nobela at dula. Marami na rin siyang natamong mga parangal sa
Carlos Palanca, National Balagtas at marami pang iba. Nakamit din ni Salazar
ang unang gantimpala sa One- Act Play sa Filipino noong 1968 ng kaniyang isinulat
ang dulang “Makapaghihintay ang Amerika.” Naparangalan din siya bilang
Outstanding Filipino Awardee sa TOFIL noong 1994. Siya ay tunay na huwarang
manunulat ng makabagong panahon. Ang kaniyang mga dula ay isang obra maestrang
maipagmamalaki nating lahat. Isa siyang premyado at walang katulad ang husay na
manunulat na dapat ipagmalaki sa lahat. Ang kaniyang mga isinulat ay dapat
tangkilikin sapagkat ito’y sariling atin.
BUOD
Sa bahay ng mga Cortez, sa
Maynila ay makikita sa kanilang sala si Ligaya na nakasandal sa kanilang sofa at bumabasa ng “pocketbook.” Isa siyang Propesor sa isang malaking
pamantasan sa Maynila. Habang nagbabasa ay maiinip siiya sa kahihintay sa
byenan at mga anak na nanuod ng sine. Pagkaraan ng ilang minute ay dumating na
rin ang kaniyang byenan at mga anak. Ipinagmalaki ni Boy, ang kaniyang anak na
lalaki ang kanilang napanoud sa sine. Naipahayag din ni Marta, ang kaniyang
byenan na mahusay na ang mga gumaganap na artistang Pilipino ngayong panahon.
Habang nagkukuwentuhan ay nabanggit ni Boy ang sinabi sa kaniya ng kaniyang ama
na si Fidel na kung gusto nitong pumunta sa Amerika.
Matapos ang kuwentuhan ay
nagbihis ng pambahay ang mga anak ni Ligaya habang naiwan naman sa sala ang
magbyenan. Nagkuwentuhan sila tungkol sa pagbabalak ni Fidel na pumunta ng
Amerika at ang mga suliranin ng lipunan. Nag-isip sila ng paraan para sa
darating na kaarawan ni Fidel bukas. Malungkot si Ligaya dahil muling malalayo
nanaman ang kaniyang asawa sa kaniyang piling
kaya naman minabuti nan g magbyenan na kausapin si Fidel sa balak nito. Napag-usapan
din nila ang hindi patas na pagtalaga sa posisyon sapagkat napili si Fidel sa
isa sa mga itataas ang posisyon sa ospital. Ang pagbabalak ni Fidel na pumunta
ng Amerika ay labis na ipinag-aalala ni Ligaya dahil kakaiba ang uri ng
pamumuhay ng mga tao doon at panibagong buhay ang kanilang matatamasa kung doon
magtratrabaho si Fidel. Naituon naman ang kanilang usapan sa Amerika, kung
anong klase ng pamumuhay mayroon sila at ang mga sawimpalad na mga dalagang ina
na bunga ng sinasabing makabagong kabihasnan. Ang katotohanang ang ating
panahon ay henerasyon ng panggagay, panghuhuwad, panloloko, krimen,
pagsasamantala at iba pang mga sakit ng lipunan.
Dumating si Fidel na nakabarong
Tagalog at masuyong hinagkan ang kabiyak nitong si Ligaya. Tinawag naman ni
Marta ang kaniyang mga apo upang magbigay galang sa kanilang kadarating pa
lamang na ama. Ikinumusta naman ni Fidel ang panonoud ng sine ng mga anak,
aktibo naman itong ibinahagi ang kanilang karanasan at napanood. Pagkatapos ay
inalok naman ni Marta ang kaniyang mga apo upang magluto ng hapunan. Naiwan ang
mag-asawa sa sala. Sinabi naman ni Fidel na may naitalaga na bilang isang assistant director sa ospital na kaniyang pinapasukan. Saka
naman ipinilit uli ni Fidel ang kaniyang balak na pumunta ng Amerika dahil mas
giginhawa raw ang kanilang buhay sa Amerika kaysa sa Pilipinas. Hindi na
masikmura ni Fidel ang katiwaliang nagaganap sa bansa at ang kawalan ng
hustisya.
Todo naman ang pagkumbinsi
ni Ligaya na manatili na lamang sila sa
Pilipinas hanggang sa may narinig silang sumisigaw magnanakaw sa labas ng
kanilang bahay hanggang sa may narinig silang putok ng baril. Nagpapatunay ito
sa mga sinabi ni Fidel na pasasaan ang kanilang buhay sa Pilipinas kung
kabi-kabila ay may krimeng nagaganap. Nang tinawag na sila ni Rosa, ang
kanilang anak na babae upang maghapunan. Nabanggit ni Boy na tuwing
papasok na siya sa paaralan ay ihahatid at
isusundo siya ng kaniyang ama naitanong ni Fidel kung ano ang gustong maging ni
Boy paglaki nito.
Matapos ang kumain ay naupo
sa sofa si Fidel at nag-isip-isip
tungkol sa mga nasabi ng kaniyang asawa at ng kaniyang mga anak. Kinaumagahan
ay lumabas ng bahay si Fidel upang ikuha ang kanilang dyaryo. Pagbalik niya ay
sinorpresa siya ng kaniyang pamilya.
Masayang ibinigay ng kaniyang mga anak at ng kaniyang ina ang kanilang regalo
kay Fidel. Nakapagdesisyon na si Fidel na huwag nang pumunta ng Amerika at
manirahan na lamang sa Pilipinas. Masayang- masaya naman na ibinigay ni Ligaya
ang kaniyang regalo kay Fidel sa pamamagitan ng pagsabi nito na madaragdagan
nanaman ang kanilang pamilya. Masaya namang naibigkas ni Ligaya ang
“Makapaghihintay ang Amerika.”
URI NG PANITIKAN
Ang nabasang teksto ay
isang uri ng dula. Ang dula ay isang uri ng panitikan na pinakalayunin nito ay
maitanghal sa isang tanghalan, nahahati ito ilang yugto na maraming tagpo. Ang tagpo ay ang paglabas-masok ng mga tauhan
sa tanghalan. Ang yugto naman ay ang bahaging
pinanghahati sa dula. Inilalahad ang tabing sa bawat yugto upang makapagpahinga
ang mga natatanghal gayon din ang mga manonood.
Ang patunay na isang uri ng
dula ang “Makapaghihintay ang Amerika” ay sapagkat mayroon itong Simula, Gitna
at Wakas. Na kung saan sa Simula ay mayroon tagpuan at ipinakilala ang mga
tauhan sa kuwento. Sa Gitna naman ay ipinakita ang tunggalian na kung saan
ipinahayag ang pagbabalak na manirahan ni Fidel sa Amerika. Sa Wakas ay mayroon
itong kakalasan at kalutasan na kung saan ay napagdesisyonan ni Fidel na
manatili na lamang sa Pilipinas. Isa pang patunay ay mayroon itong tagpuan, sa
bahay ng mga Cortez, sa Maynila at mayroon din itong diyalogo.
Ang espesipikong uri nito ay
ang Melodrama sapagkat kasiya-siya ang wakas nito dahil napagdesisyonan ni
Fidel na manatili na lamang sa Pilipinas bagama’t may mga malulungkot na bahagi
ito. Maaari rin itong Saynete dahil karaniwang ugali ang paksa nito tungkol sa
sakit ng lipunan na nararanasan ng Pilipinas sa kasalukuyan. At pupuwede rin
itong Parodia sapagkat tumutukoy ito sa tunay na buhay. Ang mga Teoryang
Pampanitikan na nagamit sa dulang ito ay ang Humanismo dahil nabigyang pansin
ang mga saloobin ng bawat tauhan sa kuwento. Ipinakita rin kung gaano katalino
at may mabuting hangarin ang mga ito. Ang Peminismo dahil ipinakita sa dula ang
mga gawain ng isang babae sa isang tahanan. Isa rin itong Teoryang Sosyolohikal
dahil inilahad dito ang mga suliranin ng lipunan. Ang Teoryang Eksistensyalismo
dahil malayang nailalahad ng bawat tauhan ang kanilang opinyon tungkol sa mga nangyayari sa bansa. At
ang Teoryang Realismo sapagkat ipinakita rito ang mga karanasan ng may-akda
patungkol sa lipunang kaniyang ginagalawan. Samakatuwid, ang dula ay hango sa
totoong buhay.
Base sa mga patunay sa itaas
ay maituturing na isang dula ang “Makapaghihintay ang Amerika” ni Dionisio S.
Salazar.
ESTILO
Ang estilo ng pagkakasulat
ng banghay sa kuwento ay mayroon kronolohikal na pagkakasunod-sunod dahil ang
paksa nito ay tungkol sa tao na mayroon mahahalagang impormasyon at pangyayari
na nagaganap sa kanilang paligid. Nagsimula ang dula sa pag-uusap nina Ligaya
at ng kaniyang byenan na si Marta tungkol sa pagbabalak ni Fidel na pumunta ng
Amerika. Napag-usapan din nila ang mga bagay-bagay na nangyayari sa loob ng
bansa, kung gaano na katalamak ang mga krimeng nagaganap at ang hindi patas na
pagtalaga sa posisyon. At sa pagdating ni Fidel ay ito ang naging sanhi upang
mag-usap ang mag-asawa ng masinsinan at magkasagutan.
Kapansin-pansin din na ang
dula ay nakapokus lamang sa pag-uusap ng mga tauhan tungkol sa suliranin ng
bansa at ang kaganapan sa Amerika. Kakaiba ang naging paraan ng pagsulat ng
banghay ni G. Salazar sapagkat ang atensyon
ng tema nito ay tungkol sa lipunan.
Nagsimula ang dula sa
pagbukas ng tabing at makikita sa tanghalan si Ligaya na nagbabasa ng isang
“pocketbook” at hinihintay ang kaniyang pamilya na umuwi. Malungkot at puno ng
aalalahin ang mukha ni Ligaya. Nagtapos naman ito sa pagdedesisyon ni Fidel na
naging sanhi upang maging masaya si Ligaya.
Gamit ng Wika
Ang dulang
nabasa ay may ginamit na dalawang wika, ang Filipino at Ingles. Dahil nasa
Kotemporaneo Panahon ito naisulat ni G. Salazar karaniwang lamang sa dulang ito
na may halong Ingles sapagkat ang panitikan ng bansa ay nagkaroon na nang
kontribusyon sa Ingles. Ang ginamit na kategorya ng wika ay pormal sapagkat mayroon
itong panretorika dahil may mga salita sa dula na idyoma.
Maling Salita
|
Bakit ito Mali?
|
Tamang Salita
|
Saan Matatagpuan
|
Bweno
|
Mali ang ispelling
|
Buweno
|
Sinabi ni Marta, pahina 273
|
Dito
|
Dahil nagtatapos sa patinig na “o” ang
salita
|
Rito
|
Sinabi ni Ligaya, pahina 273
|
Nang
|
Dahil ang kasunod na salita nito ay
pangalan na lider
|
Ng
|
Sinabi ni Ligaya, pahina 277
|
Kanya
|
Mali ang ispelling
|
Kaniya
|
Sinabi ni Ligaya, pahina 273
|
Sorpresa
|
Mali ang ispelling
|
Surpresa
|
Sinabi ni Boy, pahina 273
|
Ke
|
Mali ang ispelling
|
Kay
|
Sinabi ni Boy, pahina 273
|
Kelan
|
Mali ang ispelling
|
Kailan
|
Sinabi ni Boy, pahina 274
|
Paris
|
Mali ang salita
|
Pareho
|
Sinabi ni Ligaya, pahina 274
|
Ganyang
|
Mali ang ispelling
|
Ganiyang
|
Sinabi ni Marta, pahina 274
|
Aywan
|
Mali ang ispelling
|
Ewan
|
Sinabi ni Marta, pahina 274
|
Pwestong
|
Mali ang ispelling
|
Puwestong
|
Sinabi ni Marta, pahina 274
|
Kwarenta
|
Mali ang ispelling
|
Kuwarenta
|
Sinabi ni Ligaya, pahina 278
|
Kamusta
|
Mali ang ispelling
|
Kumusta
|
Sinabi ni Ligaya, pahina 278
|
Pulitika
|
Mali ang ispelling
|
Politika
|
Sinabi ni Marta, pahina 278
|
Pwera
|
Mali ang ispelling
|
Puwera
|
Sinabi ni Marta, pahina 279
|
Mayroon
|
Dahil ang kasunod na salita nito ay
pandiwa na gumagasta
|
May
|
Sinabi ni Ligaya, pahina 274
|
Myembro
|
Mali ang ispelling
|
Miyembro
|
Sinabi ni Fidel, pahina 279
|
Eleksyon
|
May kumpol-katinig ang salita
|
Eleksiyon
|
Sinabi ni Fidel, pahina 279
|
Kelanman
|
Mali ang ispelling
|
Kailanman
|
Sinabi ni Fidel, pahina 281
|
Nayag
|
Mali ang ispelling
|
Payag
|
Sinabi ni Ligaya, pahina 283
|
Meron
|
Walang
salitang Meron
|
Mayroon
|
Sinabi ni Rosa, pahina 284
|
Hwes
|
Mali ang ispelling
|
Huwes
|
Sinabi ni Fidel, pahina 287
|
Talinghaga
Tayutay/ Idyoma
|
Uri ng tayutay
|
Paliwanag
|
Tsak, tsak, pak, bog!
|
Onomatopea
|
Gumamit ng mga salitang gumagagad ng mga tunog na
taglay ng isang salita at nagbigay kahulugan sa bakbakang nais ipahatid ni
Boy
|
Ma, ibig pa ni Boy na ulitin. Ang
bait-bait po niya sa sine, talaga.
|
Sarkasmo
|
Ang pahayag na ito ay pinuri muna si Boy pero sa
bandang huli nginutya niya ito.
|
Anong klaseng bansa tayo?...
republikang basahan?...
|
Tanong Pasayusay
|
Ang pahayag na ito ay nagtatanong na walang inaasam na
sagot mula sa kausap
|
Tulad niyang mapagmasid, mapanuri, matalino at idyalista… ating
ginagalawan: marumi, mapagkunwari, materyalismo, magulo….
|
Aliterasyon
|
Bagamat paulit-ulit ang mga unang tunog-katinig ng mga
salita.
|
Sawimpalad
|
Idyoma
|
Masaklap/bigo
|
Ningas Kugon
|
Idyoma
|
Gawain na sa una lang masigasig, maganda o magaling.
Ngunit kalaunan ay hindi na naitutuloy ang nasimulan. (Wikipedia)
|
Lumuluha na ang katarungan
|
Idyoma
|
Walang hustisya
|
Magpataba ng puso
|
Idyoma
|
Magbola
|
Aanhin pa ang damo kung patay na ang
kabayo
|
Idyoma
|
Wala ng halaga
|
Ngunit totoong an gating panahon ay
henerasyon ng panggagaya, panghuhuwad, panloloko, krimen at panggagahasa
|
Aliterasyon
|
Bagamat paulit-ulit ang mga unang tunog-katinig ng mga
salita.
|
Tauhan at Tunggalian
Ligaya
Sa pagbubukas pa lamang ng
tabing ay si Ligaya na agad ang makikita sa entablado. Siya ang asawa ni Fidel
at isang guro sa isang malaking pamantasan sa Maynila. Sa simula, puro siya
alalahin dahil sa pagbabalak ng kaniyang asawa na pumunta ng Amerika sapagkat
kakaiba na ang klase ng babae sa bansang iyon, ayaw niyang nawawalay sakaniya
ang kaniyang asawa at isa pa, siya ay buntis sa ikatatlo nilang anak. Ang
pinakatumatak na linya na kaniyang sinabi ay ang “Kahit saan, anak, ay may mahusay at may mahinang klaseng guro.”
Fidel
Siya ang bana ni Ligaya,
isang doktor at nagbabalak na pumunta sa Amerika. Ang may kaarawan kinabukasan.Naisipan
niyang pumunta ng Amerika dahil sa hindi maayos na sistema ng bansa. Mayroon
ding magandang oportunidad na naghihintay sa kaniya sa Amerika. Hindi rin siya
ang napili bilang assistant director
sa kanilang ospital. Kilaunan, habang nag-iisip-isip tungkol sa mga nangyari at
mga nasabi ng kaniyang anak at asawa na tama sila at huwag na lamang tumuloy sa
Amerika. Ang pinakatumatak sa akin na kaniyang linya ay “Hindi ko na masikmura ang mga kabuluka’t katiwaliang aking nakikita,
nadarama, nababasa… sayang at hindi ako naging nobelista o mandudula, kung
nagkatao’y baka sa isang Noli rin o isang “Kahapon, Ngayon, at Bukas” ang
masusulat ko.”
Marta
Ang ina ni Fidel. Naging
patnugot ng isang kawanihan at sa kasalukuyan ay pensyunada na. Kasama ang mga
bata na nanuod ng sine. Nag-aalala siya sa kaniyang anak na si Fidel sa
pagbabalak nito na pumunta ng Amerika. Mahal na mahal niya ang kaniyang anak at
apo kaya gusto lamang nito na maging masaya ang kaniyang pamilya. Ang pinaka
nagustuhan kong linya ay ang “Nakakahiya,
ngunit totoong ating panahon ay henerasyon ng panggagaya, panghuhuwad,
panloloko, krimen at panggagahasa.”
Rosa
Anak na babae nina Fidel at
Ligaya. 9 na taong gulang. Mapagmahal na anak at matulungin. Ang gusto niyang
kunin paglaki niya ay katulad din ng kaniyang ina, ang maging isang guro.
Napapansin din niyang mas mahal pa ng kaniyang tatay ang kaniyang trabaho kaysa
sa kanila. Ang pinatumatak sa akin na kaniyang linya ay ang “Sa tingin ko, mas mahal mo pa’ng trabaho mo
kesa sa amin.”
Boy
Anak na lalaki nina Fidel
at Ligaya. 7 na taong gulang. Mapagmahal at maunawain. Ang gusto niyang kunin
paglaki ay isang pulis dahil susugpoin daw niya ang mga masasamang tao. Gusto
niyang makapiling ang ama tuwing papasok siya ng klase katulad ng kaniyang
kaibigan. Ang pinakatumatak saakin na kaniyang linya ay ang “‘Pahuhuli kong lahat-lahat ng magnanakaw,
saka mandurukot, saka ‘yung nambabaril ng tao, saka – a basta lahat ng masama,
‘papahuli ko sa Pulis!”
Himig, Paningin, Tagpuan
at Panahon
Pag-aalala
ang himig na nagibabaw sa kuwento sapagkat nababahala si Ligaya sa pagbabalak
ni Fidel na pumunta ng Amerika dahil iba ang klase ng pamumuhay ng mga tao roon
at isa pa, ibang klase ang mga babae sa lugar. Mas gusto kasi ni Ligaya na
manatili na lamang sa Pilipinas kaya naman pinaintindi ni Ligaya kay Fidel na
hindi na nila kailangan pang pumunta ng Amerika para lamang umalis sa bansang
walang kaayusan. Pinapakita rin dito ang mga suliraning nagaganap sa Pilipinas
ang hindi organisadong pamamahala ng mga Politiko at talamak na krimen.
Isa
rig himig nito ang pagkagalak dahil sa huling tagpo ng dula ay naintindihan na
rin ni Fidel na hindi niya naman kailangan pang pumunta ng Amerika upang
makaalis sa Pilipinas. Narito ang kaniyang pamilya at dito na siya lumaki,
napagtanto rin niya ang mga sinabi ng kaniyang mga anak. Pagkagalak sapagkat
napagdesisyonan na ni Fidel na manatili sa bansa at may isang balita siya na
nagpagalak sa kaniyang kalooban, ang pagbubuntis ni Ligaya sa kanilang
pangatlong anak.
“Ikaw ay isang tanyag na siruhano. Di ba’t
ang isang maysakit, gaaanuman kalubha ang karamdaman, ay may pag-asang
gumaling?” “Depende sa karamdaman, Gay. Nakita mo, ako’y hindi nandiri
kailanman sa anumang sakit, datapwa’t ang sumasagong nana n gating lipunan ay
totoong napakalansa, nakakaririmarim, nakakasuka.” Isa ang linya ito sa patunay na ang paksa sa
dulang ito ay tungkol sa mga sakit ng lipunang nagaganap sa Pilipinas na kung
saan hindi na kaya pang tignan ni Fidel ang mga nangyayari.
Ang
tagpuan ay sa tirahan ng mga Cortez, sa Maynila. Nagsimula ang kuwento sa may
loob ng bahay ng mga Cortez na kung saan naka-upo si Ligaya sa sopa at
nagbabasa ng pocketbook makikita sa
loob ng bahay ang mga mamahali’t makabagong muwebles, telebisyon, hi-fi, atbp. (iaangat ang ulo sa binabasa at titingin sa
kaniyang orasan) Aba mag-aanim at kalahati na’y wala pa si Mama, tila sila
nawili sa panonood… Si Fidel naman ay wala rin. (Itutuloy ang pagbasa)
Ginanap
ito sa kasalukuyang panahon na kung saan talamak ang krimen at kawalan ng
hustisya sa bansa. Hindi organisado ang pamamahala at angat ang taong may kapit
sa taas. Kabilabilaan ang mga krimen nagaganap sa panahong ito mayroon isang
linya sa kuwento ang nagpapatunay na kahit saan ay may krimeng nagaganap.
Bisa
Pilipinas.
Kung noon bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa, kilala na tayo
bilang mga magnanakaw kaya naman kinakatakutan tayo ng mga katabing bansa. Nang
dumating ang Kastila ay naging alipin tayo sa sarili nating bayan, dito
nagsimula ang pangungutong, suhol at korupsyon. Malungkot man isipin ngunit hanggang ngayon ay nangyayari pa ito
sa ating bansa. Kaliwa’t kanan ang mga krimeng nagaganap sa ating lipunan dahil
sa mga taong tanging iniisip lang ay ang kanilang ikaaangat sa buhay. Ang dulang ito’y pinapahayag ang mga
kadalasang nagyayari sa isang pamilya at lipunan. Sa dula rin itong pinakita na
ang mga materyal na bagay ay hindi siyang lahat sa buhay ng tao. Ipagmalaki rin
natin ang ating bayan at mas mahalin ang mga taong nakapalibot saatin.
Mungkahi
1.
Magkaroon pa
ng ganitong klase ng dula upang maging daan para malaman ng mga mamamayan ang
tunay na nangyayari sa bayan.
2.
Kailangan
itong mabasa ng mga mamamayan upang mamulat sila sa mga pangyayari sa bansa at
mapagtanto kung ano ang dapat gawin.
3.
Bagaman talamak
na ang krimen sa ating bansa, mas mabuti kung mababasa ito ng mga Politiko para
mabura na ang korupsyong nagaganap sa ating lipunan.
4.
Isipin din ng
mga magulang ang kanilang mga anak bago magdesisyon sa mga bagay-bagay, kung
ano nga ba ang mararamdaman ng bata sa kung anong desisyon ang napagtanto ng
isipan.
5.
Magkaroon
dapat ang lahat ng magulang ng oras para sa kanilang anak upang mabigyan pansin
ang mga ito at huwag magrebelde kung sakali.
6.
Dapat lang na
mag-usap ang mag-asawa at magkalinawan sa mga bagay-bagay.
7.
Maging
mapagmatyag sa mga nangyayari sa lipunan. Huwag lamang itong isa walambahala.
8.
Maging
matalino at matapang sa bawat desisyon na gagawin.
9.
Hindi solusyon
ang pagtakas sa responsabilidad.
10.
Mahalin ng
lubosan ang iyong bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento