Lunes, Enero 9, 2017

Epektibong Guro


Natuto ako kay Titser”

            Si Titser ang humuhubog sa bawat estudyante na maging isang produktibo at malikhaing mag-aaral. Maraming pasakit ang dinaanan ng isang tao upang siya ay maging isang ganap na guro. Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang pamantayan sa pagiging isang epektibong guro. Marami ding mga eksperto ang nagbigay ng mga pamantayan tungkol dito. Hindi madali ang maging isang guro, maraming responsabilidad ang nakalaan upang matulungan ang bawat estudyante.

            Ang pagiging isang epektibong guro ay nasaiyo na. Ayon nga sa aking guro sa Ed TechThe best Technology is the Teacher” Hindi rito tinutukoy ang teknolohiya gaya ng laptop, cellphone, facebook, twitter at iba pa ang tinutukoy rito ay ang pagiging isang produktibo ng isang guro, kung paano maisasagawa ang pagtuturo kahit walang teknolohiya sa loob ng silid-aralan, kung baga ano ang alternatibong paraan na magagawa ng isang guro para matuto ang kaniyang estudyante. Ang unang pamantayan nang pagiging isang epektibong guro ay ang pagiging mabait, may respeto at palakaibigan sa mga estudyante at kapuwa guro, ang gurong ito ang ginagalang at inspirasyon ng ilan. Ang ganitong klaseng guro ay kahit na may ginagawa sila ay hihinto nang hihinto ito upang makausap o mag “HI” sa kanilang estudyante. Pangalawa, ang guro ay hindi dapat nanghuhusga ng iba lalo na sa mga estudyante, kung mayroon man silang nalaman na may ginawang mali ang estudyante sa kanila, kung maaari ay kausapin ito ng kayo lang ang nakakarinig. Huwag ipahiya ang estudyanteng iyon sa klase dahil baka magkaroon ito ng trauma at hindi na pumasok at mas mainam din na maghanap muna ng ebidensiya bago manghusga. Pangatlo, ang pagkakaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa bawat estudyante. Walang bias o paborito sa klase. Ayon sa aking guro sa Methods 1, ang pagkakaroon ng bias o paborito sa klase ng isang guro ay nagbibigay ng isang diskriminasyon sa iba pang mag-aaral sapagkat alam na nila kung sino ang makakakuha ng mataas na marka. Hindi maiiwasan na magkaroon ng paborito ang guro sa klase lalo na kung ang estudyanteng iyon ay napalapit na sa kaniya o kaya ay tumutulong sa kaniya sa ibang bagay, maaari din na matalino ang bata sa sabjek na tinuturo ng guro o di kaya ay maganda o guwapo ang estudyante kaya naging paborito. Napakahalaga na ang guro ay may pantay ang pagtingin sa bawat mag-aaral. Pangapat, mapagpasensyoso o may positibong pag-uugali, ang kabataan ngayon ay mahilig na sa social media namulat na ang mga ito sa iba’t ibang klase ng impormasyon na binibigay ng internet kaya naman bawat salita ng guro ay may kaakibat na opinyon ng estudyante. Pahabain ang pasensya sapagkat iba-iba ang klase ng estudyante, mayroon na makulit at tanong nang tanong o di kaya’y bigla na lamang tumatayo habang nagtuturo ang guro sa unahan at marami pang iba, kinakailangan ang matinding pasensya sa mga bagay na ito, pero kung hindi na talaga kaya ay tiisin mo! ang sabi saakin ng guro ko sa medyor ay “Huwag na huwag kang magwawalk-out sa klase” bakit? dahil pakiramdam ng estudyante ay nanalo sila kapag nagwalk-out ang guro. Ika nga ng ilan “Patience is a virtue.” Ang pagkakaroon din ng positibong pag-uugali ng guro ay nagbibigay sa isang estudyante ng deteminasyon sa pag-aaral, kahit na simpleng “napakagaling” “mahusay ang iyong ginawa” na sinabi ng guro sa estudyante ay malaki ang naibibigay na impak nito sa kanila at nagkakaroon sila  ng kompiyansa sa kanilang sarili. At panghuli, ay may kahusayan sa pagtuturo. Oo, alam ng guro ang kaniyang tinuturo, pinag-aralan niya ito ng higit 4 na taon o kaya’y kumuha pa ng Master’s o Doktoral kaya naman alam na alam niya ang kaniyang tinuturo, sino nga ba ang gaganahan na makinig sa gurong kapag nagtuturo ay napakahina ang boses? Sino nga ba ang makakaunawa ng tinuturo ng guro kung nakaharap lagi ito sa pisara? Boring ang kalalabasan ng talakayan na ito, hindi mauunawaan ng mga mag-aaral ang tinatalakay at hindi sila gaganahan na makinig, mas pipiliin pa nilang matulog o di kaya’y makipagkuwentohan sa katabi. Sa ganitong sitwasyon mas mainam na makuha ng guro ang atensyon ng kaniyang mga estudyante pagpasok pa lamang ng silid, lakasan ang boses, kung natural na mahina at wala nang lalakas pa ang boses ay gumamit ng mikropono para naman maintindihan ng estudyante ang sinasabi ng guro. Ang guro ko sa medyor ay lagi kaming pinapaalala na huwag na huwag kakausapin ang pisara, kung maaari ay lumakad o umikot sa loob ng silid upang makita mo ang ginagawa ng iyong estudyante at isa rin itong paraan upang makuha mo ang kanilang atensyon. Pag mayroon naman na pangkatang gawain ay lumibot sa bawat pangkat, huwag tamarin! Hindi lahat ng estudyante ay naintindihan ang instruksiyon na binigay ng guro kaya naman lagi yang may tanong kaya mainam na lumibot sa bawat pangkat.  

            Marami tayong kaniya-kaniyang pamantayan sa isang epektibong guro, para saakin ang isang epektibong guro ay nasasaiyo na, kinakailangan lang na malaman mo at mahasa upang pati estudyante ay ganahan sa talakayan at hindi maging boring ang kapaligiran. Mag-isip ng iba’t ibang estratehiya upang mas lalong ganahan sila sa pag-aaral. Gawing kasabik-sabik ang sabjek na tinuturo dahil hindi malilimutan ng isang estudyante ang guro na magaling hindi lang sa sabjek kundi pati sa paraan ng pagtuturo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento