Ang Baliw
ni Mayette Bayuga
I.
Buod
Dumating sa bahay nila
Cecille si Vance nang mag-uumaga na ngunit aalis uli ito upang idala si Soreen,
asawa ni Markus sa Psychiatric ward dahil sa pagwawala nito sa klab na
pinagtratrabahuhan ni Vance na pagmamay-ari ni Markus. Pagkadala nila kay
Soreen sa ward ay pansamantala lamang siyang ilalagay rito at idadala na siya
sa Mental Hospital. Nagpresenta si Cecille na siya na ang magbabantay kay
Soreen, habang binabantayan niya si Soreen ay ikinuwento ni Soreen ang lahat ng
kaniyang naranasan sa pagtratrabaho niya sa abroad, lahat ay tiniis niya para
sa kaniyang pamilya ngunit nang siya ay bumalik ay may ibang babae na si Markus at may anak na ito rito. Ngunit
dahil sa mahal na maal niya si Markus ay hinayaan niya na lamang niya ito at
noong nakaisip siyang maghiganti rito ay puro pambubugbog ang nakuha niya rito.
Lahat ng akala ni Cecille na ikinuwento ni Vance tungkol kay Soreen ay mali.
Lahat ay puro kasinungalingan. Nagtaka si Cecille kung bakit siya nagpresenta
na magbantay ay Soreen, at doon niya nagapagtanto na baling araw ay siya naman
ang hihiga sa tablang tinabunan ng katsa, wlaang unan at kumot, pinapapak ng
lamok at tadtad ng pasa ang kaluluwa.
II.
Deskripsyon ng
mga tauhan (maikling kuwento)
Soreen- asawa ni Markus na idinala sa Psychiatry ward ng
PGH na pinagkakamalang baliw.
Cecille- asawa ni Vance na siyang nagpresenta na magbantay
kay Soreen sa Psychiatry ward at nalaglag ang anak .
Markus- asawa ni Soreen na may-ari ng klab na Leggings.
Vance- asawa ni Cecille at kasosyo sa trading ni Markus at
nagkaroon ng relasyon sa kaniyang sekretarya.
Betzy- kapatid ni Markus.
Belle- pamangkin ni Markus at nagrereklamo sa pagbabantay
kay Soreen.
Dra. Garcia-
ang doktor na tumingin kay Soreen.
III.
Pagtalakay
Realismo
Sa akdang “Ang Baliw” ni Mayette Bayuga ay
nagpapakita nang katotohanang nagyayari sa mga kababaihan galing abroad na kung
saan nagkandakuba na sila sa katratrabaho sa ibang bansa upang matustusan ang
pangangailangan ng kanilang pamilya ngunit nang umuwi ay magyroon nang ibang
kiankasama ang asawa o di kaya’y napabayaan ang kanilang mga anak. Pinapakita
rin sa akda ang katotohanang nangyayari sa pang-aabuso ng mga kalalakihan sa
mga kababaihan na kung saan puno ng pasa ang katawan ni Soreen nang dalhin ito
sa Psychiatric ward, na kung saan pinagbubugbog ito ni Markus, ang kaniyang
asawa. Ipinakita rin sa akda ang kalunos-lunos na pangyayari sa buhay ni
Cecille na ung saan nagkaroon nang realsyon ang kaniyang asawa at ang
sekretarya nito. Ipinakita rin sa akda ang tunay na sitwasyon sa loob ng
Psychiatric ward at kung gaano ito hindi angkop sa mga namamalagi sa loob.
Gamit ng Wika
Ang ginamit na
wika sa akdang “Ang Baliw” ni Mayette Bayuga ay di-fomal sapagkat may halong
Ingles ang akda at walang masyadong ginamit na matayutay at matalinghagang
salita.
Tono
Ang saloobin na nakapaloob sa teksto ay
pagsisisi at pagmamahal sapagkat ipinaramdam ng may-akda ang nararamdaang
pagsisisi dahil sa kung hindi iniwan ni Soreen ang kaniyang pamilya ay kilala
sana siya ng kaniyang mga ank at hindi sana siya nagkaroon ng problema kay
Markus dahil nararamdaman ni Markus sa pangingibang bansa ni Soreen ay wala
siyang silbi. Pagmamahal sapagkat kahit anong man ang ginawa o pang-aabuso ng
kanilang asawa ay tiyaga nila ito pinasasamahan at kahit ayroon itong ibang
babae ay pikit matang tinatanggap ang lahat nang katotohanan upang hindi lang
mawalay ang kanilang mahal.
pwede po ba mahingi yung buong kwento ng ang Baliw? importante lang po please salamat
TumugonBurahinpleassssseeee
Burahin