Lunes, Enero 9, 2017

Laro sa Wika at Panitikan



Laro sa Wika at Panitikan
Ang mga mag-aaral na gagamit:                      
            Ang pagtuturo-pagkatutong ito ay inihanda para sa mga nagmemedyor sa Filipino upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pagpapalaro sa wika at panitikan.

Lagom-Pananaw
            Ang modyul na ito ay nakapokus sa laro na maipapagawa ng isang guro sa wika at panitikan. Ito ay makakatulong sa mga nag-aaral ng pagiging isang guro sapagkat magbibigay ito ng idea tungkol sa magiging motivational activities para sa wika at panitikan.

I.                   Layunin:
                                    Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang modyul, ikaw ay dapat nang:
1.      nalaman ang laro sa wika at panitikan;
2.      nagagamit sa sariling karanasan ang mga laro at
3.      naisasagawa ang laro sa talakayan ng wika at panitikan.
4.      Pagtalakay sa Paksa

Panuto o Instruksiyon sa mga Mag-aaral:
            Basahing mabuti ang bawat hakbang ng laro. Pagkatapos itong basahin, magkakaroon ng ilang gawain at tanong upang mas lalong mapagtibay ang kaalaman sa wika at panitikan.

Mga Kakailanganing Kahandaang Asal:
            Bago pag-aralan ang modyul na ito, kinakailangang may kaalaman na ang mag-aaral tungkol sa wika at panitikan. Kung ano-ano ito at paano ito makakatulong sa isang guro.




Mga Gawain sa Pagkatuto:
            Ang  wika ay mayroon iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa lipunan, pagkatao, panahon at katayuan sa buhay. Sa  modyul na ito, ay magsasagawa ng isang laro ang mga mag-aaral tungkol sa antas ng wika.

Antas ng Wika
            Narito ang hakbang sa paglalaro ng antas sa wika. Ang laro ay pinamagatang “Wikang Rapper.”
1.      Hahatiin ang klase sa anim na pangkat.
2.      Sa isang antas ng wika, may dalawang pangkat ang maglalaban-laban.
3.      Ayun na rin sa ibinigay na antas na wika ang kanilang gagamiting salita.
4.      Magbibigay ang guro ng isang paksa tungkol sa kanilang paglalabanan.
5.      Mayroon lamang tatlong minuto upang maghanda ang bawat pangkat.
6.      Bawat isa sa miyembro ng pangkat ay kailangang magrap.
7.      Bibigyan lamang sila ng tig-iisang minuto upang maglaban sa rap.
8.      Maglalagay pa ng musika upang mas epektibo ang paglalabanan ng dalawang panig.

Ang panitikan  ay nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng tao. Sa  modyul na ito, ay magsasagawa ng isang laro ang mga mag-aaral tungkol sa bugtong.

Bugtong
            Narito ang hakbang sa paglaro ng bugtong. Ang laro ay pinamagatang “Tong, may bugtong.”
1.      Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.
2.      Mayroon iflaflash sa screen ng prodyektor ang guro na mga bugtong.
3.      Paunahan sa pagtayo at pagsagot ang bawat miyembro ng pangkat.
4.      Isa lang dapat ang nakatayo sa isang pangkat kapag sasagot.
5.      Bawat miyembro ng pangkat ay sasagot sa bugtong, hindi na maaaring umulit ang nakasagot na.


II.                Pagtataya

Mga Tanong na sasagutin:
            Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.

1.      Antas ng wika na ipinaiikli ang salita.                  ­­­­­­_____________­__
2.      Ang wikang ginagamit sa isang bansa.                 _____________­__
3.      Isa sa antas ng wika na likha lamang ng
mga tambay o bakla.                                             _____________­__
4.      Wikang ginagamit sa paaralan, korte,
panitikan at iba pa.                                                _____________­__
5.      Ito ang wikang ginagamit sa lalawigan.                _____________­__
6.      Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.   _____________­__
7.      Anong insekto ang malaki ang mata kaysa ulo? _____________­__
8.      Heto na, heto na hindi pa rin makita.                    _____________­__
9.      Dalawang balon, hindi malingon.                         _____________­__
10.  Tinaga ko sa puno, sa dugo nagdugo.                   _____________­__



Kasagutan:
1.      Kolokyal                                 6. Paro-paro
2.      Lingua Franca                         7. Tutubi
3.      Balbal                                      8.  Hangin
4.      Edukado                                 9.  Tainga
5.      Lalawiganin                            10.  Gumamela

Pinagkuhanang Site:
http://tahananbooks.ph/
                                   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento