Kahulugan, Kahalagahan at Simulain ng Kagamitang
Panturo
Ang mga mag-aaral na gagamit:
Ang pagtuturo-pagkatutong ito ay
inihanda para sa mga nagmemedyor sa Filipino upang magkaroon ng kaalaman
tungkol sa kagamitang panturo.
Lagom-Pananaw
Ang modyul na ito ay nakapokus sa
kahulugan, kahalagahan at simulain ng kagamitang panturo. Ito ay makakatulong
sa mga nag-aaral ng pagiging isang guro sapagkat magbibigay ito ng idea tungkol
sa mga kagamitang panturo.
I.
Layunin:
Pagkatapos
mabasa at mapag-aralan ang modyul, ikaw ay dapat nang:
1.
nalaman ang kahulugan at kahalagahan ng
kagamitang panturo;
2.
makasunod sa mga
simulain ng kagamitang panturo at
3.
magamit ang
kagamitang panturo sa isang talakayan.
II.
Pagtalakay sa Paksa
Panuto o
Instruksiyon sa mga Mag-aaral:
Basahing
mabuti ang kahulugan, kahalagahan at simulain ng kagamitang panturo. Pagkatapos
itong basahin, magkakaroon ng ilang gawain at tanong upang mas lalong
mapagtibay ang kaalaman sa kagamitang panturo.
Mga
Kakailanganing Kahandaang Asal:
Bago
pag-aralan ang modyul na ito, kinakailangang may kaalaman na ang mag-aaral
tungkol sa kagamitang panturo. Kung ano-ano ito at paano ito makakatulong sa
isang guro.
Paunang Pagsubok
Basahing
mabuti ang mga talata. Kung ito’y isang kagamitang panturo, lagyan ng tsek. At
kung ito naman ay hindi, lagyan ng ekis.
1.
Pisara _______
2.
Laptop _______
3.
Basurahan _______
4.
Libro _______
5.
Papel _______
Mga Sagot sa
Paunang Pagsubok
1._______ 2._______ 3._______ 4._______ 5._______
Mga Gawain sa
Pagkatuto:
Ayon
kay Abad (1996), ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na
ginagamit ng bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan,
saloobin, palagay, kaaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang
lalong maging kongkreto, tunay, dinamiko at ganap ang pagkatuto. Ang sabi naman
ni Alwright (1990), ang mga kagamitang panturo ay komokontrol sa pagtuturo at
pagkatuto.
Sa
ibinigay pa lamang na kahulugan nina Abad at Alwright ay masasabi na kung ano
ang ibig sabihin ng kagamitang panturo. Ito ay ang lahat na bagay na makikita
sa silid-aralan na makakatulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral at ito rin ay
nagsisilbing gabay ng guro sa kaniyang pagtuturo. Sa lahat na bagay na makikita
sa silid-aralan, ang guro ang maituturing na pinakamahalagang kagamitan sa
pagtuturo dahil sabi nga ni Ginong Pado
“The best technology is the teacher.” Guro pa rin ang pinakamabisang kagamitang
panturo. Ayon nga kay Abad (1996), isang katotohanan na walang makapapalit sa
isang mabuting guro bilang isang kagamitang panturo ngunit katotohanan din na
gumamit siya ng mga kagamitang panturo para sa mabisang talakayan at makatulong
sa mga mag-aaral na lalong maintindihan ang tinatalakay.
Ang
unang halaga ng kagamitang panturo ay nagiging
makatotohanan sa mga mag-aaral ang talakayan. Sapagkat nakikita nila at nararanasan
ang talakayan. Halimbawa: Ang talakayan ay tungkol sa pangngalan, ang ginawa ng
guro ay nagpalaro siya sa pamamagitan ng pagkanta ng “Magbigay ng pangngalan,
pangngalan, pangngalan, magbigay ng pangngalan na pambalana/pantangi” sa larong
ito, bawat mag-aaral ay makakasagot at makakalahok sa talakayan. Hindi pa
boring ang kalalabasan nito.
Ang
pangalawang halaga ng kagamitang panturo ay walang naaksayang panahon at oras
sa mag-aaral at guro sapagkat may direksiyon ang pagtuturo at pagkatuto. Kapag
gagamit ng kagamitang panturo gaya ng Manila
paper ay hindi na magaaksaya ng panahon ang guro na sumulat nang sumulat sa
pisara. Mas mapapadali ang talakayan.
Ang
pangatlo ay nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pagsasalita o
pagtatalakay ng aralin sa loob ng klasrum sapagkat may kagamitang panturo na
maggagabay sa guro sa talakayan at magbibigay rin sa guro ng pahinga sa
pagsasalita dahil karamihan sa mag-aaral ay visual
learners. Mas mainam na may maipapakita ang guro na mas mauunawaan ng mag-aaral ang talakayan.
Ang
pang-apat na halaga ng kagamitang panturo ay tumutulong sa pagsasakatuparan ng
mga layunin sa pagtuturo. Sabi na nga sa talakay sa iba pang kahalagahan, ang
kagamitang panturo ay gabay ng guro sa talakayan.
At
ang panghuling halaga ng kagamitang panturo ay gumising sa kawilihan ng
mag-aaral at humihikayat ng inter-aksiyon. Ngayong panahon, ang karamihan sa
mag-aaral ay visual at kinesthetic learners. Natututo sila
kapag may nakikita o nagagawa nila ang isang bagay.
Mga Batayang Simulain sa Kagamitang Panturo mula sa powerpoint presentation nina Maria Mae
Tolosa at Angelie
Mae Roldan Basia.
·
Prinsipyo at
Teorya
o Sa paghahanda ng kagamitang panturo, kinakailangan
na isaalang-alang at maunawaan nang mabuti ang mga prinsipyo at teorya sa
paggamit at pagdisenyo ng kagamitang panturo. Ang Teorya ay tumutukoy sa kung gaano kaganda ang pagkakapaliwanag sa
isang bagay na pinaghandaan. Ayon kay Reigeluth (1983), ang teorya ay isang set
ng modelo at ang prinsipyo at teoryang ito ay matutukoy lamang sa pamamagitan descriptive at perspective na anyo. Ayon naman kay Seels (1997), ang teorya ay
paliwanag ng penomina at pangyayari na makakatulong sa mag-aaral na lubusang
maunawaan ang talakayan.
·
Batayang
Konsepto sa Disenyo
o Ang kagamitang panturo ay kinakailangang angkop sa
panahon ay nakaugnay at nakaayon sa kurikulum upang makatulong na
maisakatuparan ang layunin sa pagkatuto. Ang kagamitan ay awtentiko at
kongkreto sa teksto at gawain.
·
Pamantayan sa
Kagamitang Panturo
o Kinakailangang maanalisa muna ang paggamit ng
kagamitang panturo upang nakabatay ito sa target na panggagamitan.
o Bumuo ng isang kurikulum grid na kung saan nakakatulong
ito sa pagbuo ng materyales at malaman din ang kontent at literasi lebel ng
mag-aaral.
o Ang pagpili ng tema ay isang mahirap na gawain
sapagkat kinakailangang mag-isip nang mabuti kung anong kagamitang panturo ang
gagawin.
·
Ilustrasyon
o Ito ay tumutukoy sa mag-aaral na makakabuo ng
larawan o konsepto upang higit na maunawaan ang talakayan.
·
Editing
o Isa rin sa mga mahirap isagawa sapagkat matrabaho
ang editing na kung saan kinakailangang wasto at magkakaugnay ang napiling
kagamitang panturo sa aralin.
·
Pamagat
o Ito ay kinakailangang kaakit-akit upang mahikayat
ang mga mag-aaral na malaman ang gagawin.
III.
Pagtataya
Mga Tanong na sasagutin:
Panuto: Isulat sa nakalaang patlang ang
T
kung tama ang pahayag at M naman
kung mali.
1.
Isa sa mga
kahalagahan ng kagamitang panturo
ay tumutulong ito sa pagsasakatuparan ng
layunin sa
pagtuturo. _____
2.
Ang kagamitang
panturo ang
pinakamabisang
paraan sa pagtuturo. _____
3.
Ang kagamitang
panturo ay ang lahat
na bagay na
makakaapekto sa pag-aaral
ng estudyante. _____
4.
Ang kagamitang
panturo ay maaaring
hindi napapanahon sapagkat mauunawaan
naman ito ng mga mag-aaral. _____
5.
Ang paggamit ng
kagamitang panturo ay
kailangang
pag-isipang mabuti upang
maging maganda
ang kalalabasan nang talakayan. _____
6.
Mas mabisa pa
rin ang magsalita nang magsalita
ang guro kaysa
magpakita ng mga visual aids. _____
7.
Kung ano ang
nais gawin na kagamitang panturo
ng guro ay iyon
na lamang ang gagawin. _____
8.
Ang ginamit na
kagamitang panturo ay hindi
nakabase sa
paksa. _____
9.
Isa sa mahirap
isagawa sa pagsasaalang-alang ng
paggawa ng
kagamitang panturo ay ang pag-isip
ng tema sa
gagawing kagamitang panturo. _____
10. Sa pag-eedit ng kagamitang panturo ay kinakailangan
na kaakit-akit
ito upang mahikayat ang mga mag-aaral. _____
Kasagutan:
1.
T 6. M
2.
M 7. M
3.
T 8. M
4.
T 9. T
5.
T 10.
M
Pinagkuhanang
Site:
https://prezi.com/x_s5psayptt5/mga-batayang-simulain-sa-paghahanda-at-ebalwasyon-ng-mga-kag/
Maritta
Alagada-Abad at Prinseilla Castaneto-Ruedas.
Salamat sa pag-share. gusto ko to, nagkaideya ako kung anong ituturo ko
TumugonBurahin