Pamagat: Bata,
Bata…Pan’no ka ginawa?
May-akda: Lualhati
Bautista
I.
Buod:
Nagsimula
ang nobela sa pagmamartsa ng magtatapos sa kinder, isa si Maya, ang anak ni Lea
kay Ding ay gragradwayt ng oras ng iyon. Bago simulan ang pagbibigay ng honors ay may inilatag na isang programa
ang paaralan, yung ay ang Ms. Kinder ’83, kasali si Maya sa mga kalahok. Hindi
hinayaan ni Lea na lagyan ng kahit na anong panretoke sa mukha o kahit lipstick
man lang si Maya dahil naniniwala si Lea na ang ganda ng isang bata ay wala sa
mayk-up o kung anong kolorete sa mukha. Tumulo ang luha ni Lea nang tanghaling
Ms. Kinder ang anak, dali-dali niya itong pinicturan ngunit ubos na ang
kaniyang film. Ginawaran din si Maya bilang third
honors. Nagkaroon ng konting
salo-salo sa bahay ni Lea na kung saan ang karamihan sa kanilang bisita ay mga
bata, dumating naman si Pilar sa kanilang bahay at inalok si Lea na isali si
Maya sa contest ng Johnsons Johnsons at iisponsoran nito ang bata ngunit ayaw
na itong isali ni Lea sa kahit na anong contest. Nasa trabaho si Lea nang mga
oras na iyon nang tumawag si Raffy sa kaniya upang sila’y muling magkita at
magka-usap. Humingi si Raffy ng pabor kung maaaring makasama niya si Ojie,
pumayag naman si Lea at agad na sinabi ito kay Ojie, ngunit hindi sang-ayon
dito si Ding, nagpumilit namang sumama si Maya, at mahigpit na binilinan ito ni
Ding na alamin ang bawat kilos ni Lea at Raffy. Nang magkitang muli ang
mag-amang Ojie at Raffy ay masayang-masaya ang dalawa, pumunta sila sa isang
karnibal at doon nagkaroon ng pagkakataon na magka-usap muli ng masinsinan sina
Raffy at Lea, dito na umiyak nang umiyak si Lea sa paglalabas ng sama ng loob nito
kay Raffy, nalaman ni Lea na mayroon na palang bagong asawa si Raffy at tatlong
buwang buntis na ito. Tumira si Ojie sa kaniyang ama sa loob ng isang buwan at
pinayagan naman ito ni Lea ngunit ayaw itong paalisin ni Ding dahil wala raw
makakasama si Maya sa bahay pero wala nang magagawa pa si Ding. Nang makabalik
na si Ojie sa bahay ni Lea ay nagpatuli naman na ito, bagamang onse ayos pa
lang ay gusto na nitong magpatuli. Nagka-usap muli sina Lea at Raffy at sinabi
ni Raffy na gusto niyang isama si Ojie sa Amerika. Araw na nang pasukan at
sinamahan na ni Lea si Maya sa silid nito, nalito pa ang guro sapagkat akala
nito ay De lara din ang apelyido ni Maya. Nagkaroon ng isang miting ang lahat
ng magulang sa eskuwelahan at nagpakilala ang bawat magulang. Nainis si Lea at
nung siya na ang magsasalita ay sinabi nito na huwag nang sayangin pa ang
kanilang oras. Nagbotohan naman sila ng officers
at may isang lalaki doon na laging isinasali ang pangalan ni Lea sa mga
kandidato, muli ay nainis siya at saka nagsalita nang nagsalita. Nang mabasa ni
Lea ang balita ay dali-dali itong pumunta ng kaniyang opisina upang malaman ang
nangyaring pagkamatay ni Ninoy Aquino, laman ito ng balita at libo-libong tao
ang nagprotesta dahil sa nangyari.Natapos na ang unang kuwarter ng pasukan at
ibinigay na sa mga bata ang kanilang report
card at dahil sa malalim na pag-iisip ni Lea ay nagkapalit nang pirma ito
sa report card ng mga bata, kaya
naman nagbigay siya ng sulat sa guro nito na kung maaari ay baguhin na lang at
magbabayad na lamang siya, pero ang sabi ng mga guro ng mga bata ay kanilan
siyang kausapin ng principal. Nang magka-usap ang principal at si Lea ay nalaman
ng principal ang trabaho ni Lea at humanga ito sakaniya dahil kaya niyang
ipaglaban ang karapatan ng tao. Naging magkaibigan si Lea si Mrs. Zalamea. Nasa
trabaho si Lea nang tumawag ang kaniyang kapitbahay at ibinalita rito na
naospital ang kaniyang mga anak. Pagdating niya sa ospital ay bukol sa ulo ang
natamo ni Ojie at gasgas naman ang kay Maya, galit na galit na dumating sina
Ding at Raffy, nanermon nang nanermon ang dalawa na para bang siya lahat ang ay
kasalanan sa nangyari, dahil din sa galit ni Lea ay iniwan niya ang mga bata sa
kani-kanilang ama. Dahil sa inis ay tinawagan ni Lea si Johnny ay niyayang
manood ng sine, pagkatapos nito ay inalok ni Lea si Johnny na makipag-anohan sa
kaniya, nung una ay ayaw nito pero kalaunan ay pumayag na rin. Nang makalabas
na ng ospital ang kaniyang mga anak ay naghanda siya ng kaunti upang makabawi
sa mga ito dahil sa hindi niya pagdalaw. Pagkaraan naman ng gabi ay tumawag ang
asawa ni Johnny kay Lea at ibinalita rito ang pagkakakulong ni Johnny sa salang
PDA. Sumapit ang pasko at bagong taon, walang Ding na umuwi sa bahay ni Lea
ngunit nang umuwi ito ay sinabi ni Ding na may asawa na siya at nagpakasal sila
noong pasko, at gusto nitong isama si Maya. Natapos ang nobela sa pagpili ng
kaniyang mga anak na sumama na lamang sa kaniya kaysa sa kanilang mga ama at
ang paggradwayt ni Ojie ng elementarya.
II.
Pagtalakay
A.
Tauhan
·
Si Lea Bustamante ay isang mapag-aruga at
mapagmahal na ina kay Ojie at Maya. Nagtratrabaho siya sa isang organisasyon na
kung saan ipinaglalaban ang karapatan ng tao o isang human rights organization. Nagkaroon ng dalawang asawa at
matiyagang binubuhay ang kaniyang dalawang anak. Naniniwala siya na mas mainam
na sabihin na agad ang totoo sa mga bata kaysa malaman pa nito sa iba. Siya ay maituturing
na isang uri ng tauhang lapad sapagkat mula umpisa ay hindi nagbago ang ugali
at pananaw niya sa kaniyang buhay. Pinakita rin sa nobela kung gaano siya
katatag na ina sa kaniyang mga anak.
·
Si Raffy ang naging unang asawa ni Lea at
iniwan niya nang magkaroon ng trabaho sa Surigao. Siya ang ama ni Ojie. Bumalik
sa Maynila upang makasama ang kaniyang anak. Mayroon na rin itong asawa at magtatatlong
buwan na itong buntis. Gusto niyang isama si Ojie sa Amerika upang makapiling
na niya ito. Siya ay isang uri ng tauhang lapad dahil hindi nagbago ang
pakitungo nito kay Lea at ang pagmamahal nit okay Ojie, nandoon pa rin ang
kaniyang paglalaban na alagaan na lamang
ni Lea ang mga bata kaysa sa magtrabaho pa ito sa organisasyon.
·
Si Ding naman ang pangalawang asawa ni
Lea. Siya ang ama ni Maya. Naging karamay ni Lea sa mga panahong hindi
nabibigay ang nais ni Lea kay Raffy. Laging naroon sa kaniyang nanay. Siya ay
isang uri ng tauhang bilog sapagkat sa huli ay nagbago ang kaniyang pag-ibig
kay Lea at nagpakasal sa iba.
·
Si Ojie ang panganay na anak ni Lea na
nais sanang dalhin ni Raffy sa Amerika.
Kahit na kinaiinisan si Maya ay mahal na mahal niya ito at nais niyang
ipakilala sa kaniyang tatay. Siya ay isang uri ng tauhang bilog sapagkat noong
una ay sumusunod ito kay Lea pero kalaunan ay naging pabaya ito sa pag-aaral at
nakita na lamang ni Lea na nagsusugal ng pool kasama ang matatanda.
·
Si Maya ang bunsong anak ni Lea. Masayin at
madadal . Nanalo ng Ms. Kinder sa kanilang paaralan. Isang uri ng tauhang lapad
si Maya dahil hanggang sa huli ay ang pagmamahal niya kay Lea ang naging
dahilan sa pagpili niya rito kaysa sa pagsama sa kaniyang ama.
·
Si Johnny Deogracias ang katrabaho ni Lea
at kung minsan ay tumutulong ito sa kaniya at may nangyari sa kanila. Dinakip
siya ng mga pulis at kinasuhan ng PDA. Isang uri ng tauhang lapad si Johnny
dahil hanggang sa huli ay hindi nagbago ang kaniyang pananaw at pinaglalaban
niya pa rin ang karapatan ng tao kahit na siya ay nakulong na.
·
Si Mrs. Zalamea ang principal ng
pinapasukang paaralan ng mga anak ni Lea, nagalaskahan silang dalawa ng unang
magkita at nagakita ng paghanga kay Lea dahil kayang-kaya ni Leang lumaban sa
karapatan ng tao ngunit siya ay hindi dahil nasa kapahamakan ang kaniyang
trabaho kung saka-sakali siyang lumaban. Isang uri ng tauhang bilog dahil ng
unang magkita sila ni Lea at parang hindi ito gusto si Lea at sa huli ay naging
mabuting magkaibigan silang dalawa.
B.
Tagpuan
·
Sa bahay ni Lea nangyari
ang halos lahat ng pangyayari sa nobela.
·
Sa mall at karnibal
nagkita muling si Lea at Raffy at nagbonding kasama ang mga bata.
·
Sa eskuwelahan nagsimula
ang nobela sa paggradwayt ni Maya sa Kinder at dito rin nagtapos ang nobela sa
paggradwayt ni Ojie at ang pagbigay ni Lea ng talumpati.
·
Sa loob ng kuwarto
ng principal nagkasagutan si Lea at ni Mrs. Zalamea na kalaunan ay naging mabuting magkaibigan.
·
Sa trabaho ni
Lea inilahad sa nobela ang ginagawa ng isang miyembro ng organisation kung
paano nila ipinaglalaban ang karapatan ng bawat tao.
·
Manila ang
pinanggaganapan ng kuwento sapagkat naisaad dito ang nangyari sa pagkamatay,
paglibing kay Ninoy Aquino at pagprotesta ng mga tao laban sa gobyerno.
C.
Panahon
·
Ang nobela ay
isinulat sa panahon ng Martial Law na kung saan ipinahayag sa nobela ang
patayang nagaganap sa bansa, ang pagpatay kay Aquino sa airport at ang pagprotesta ng mamamayan.
D.
Punto de vista
·
3rd
Person point of view dahil nakabatay ito sa obserbasyon at pananaw ng may-akda.
E.
Tunggalian
·
Tao laban sa
Tao. Bagaman walang nangyaring labanan o suntukan sa mga karakter, makikita pa
rin ang tunggalian sa tao laban sa tao. Si Lea laban sa dalawa niyang asawa at
ng lipunan. Si Lea laban sa kaniyang dalawang asawa na sina Raffy at Ding,
pinakita ni Lea sa nobela ang kaniyang katatagan na kahit pilit na siyang
pinaaalis sa kaniyang trabaho ay mas pinili niya ang kaniyang trabaho at kahit
na iniwan na siya ng dalawa ay nananitili pa rin siyang matatag para sa
kaniyang mga anak. Si Lea laban sa lipunan, sa ganitong panahon, marami ang mga
taong mahilig manghusga at dahil sa kalagayan ni Lea, dalawa ang kaniyang anak
at magkaiba ang ama hindi na maiiwasan ang mahusgahan ng mga taong nagmamalinis
katulad na lamang noong umatend siya ng miting sa paaralan nina Ojie at ang mga
tingin sa kaniya ng mga tao ay parang madaliang babae na kung sino-sino lang
nagpapaano.
·
Tao laban sa
sarili sapagkat ipinakita ni Lea na kahit iniwan na siya nina Raffy at Ding ay
nanatili siyang matatag para sa kaniyang mga anak, nagpatuloy pa rin siya sa
kaniyang buhay kahit wala ang mga ito.
F.
Paksang-diwa
·
Ang
paksang-diwang binibigyang diin sa nobela ay ang pagmamahal ni Lea sa kaniyang
mga anak, ang paninindigan ni Lea sa karapatan ng tao at pagiging pantay-pantay
ng babae sa lalaki at ang mga nangyayari sa lipunan katulad na lamang ng
kaliwa’t kanang pagpatay, pagprotesta ng mga mangagawa at ang pagpatay ay Ninoy
Aquino.
·
Ang paksang
umiiral sa nobela ay ang kasaysayang pag-ibig na kung saan ipinakita rito ang
pagmamahal ni Lea sa kaniyang mga anak at sa dalawang lalaking naging parte ng
kaniyang buhay.
G.
Pamamaraan
·
Ang istilong
ginamit ng may-akda ay pinaghalo niya ang wikang Ingles at Filipino. Karamihan
sa parte ng kaniyang nobela ay ang kasalukuyang kaganapan ng mga panahon na
iyon. Mas umiiral din ang pagiging ina ng may-akda dahil mararamdaman ito ng
mambabasa sa katauhan ni Lea, na kahit anong mangyari ang kaniyang anak at
sarili pa rin ang kaniyang pipiliin.
H.
Pananalita
·
Ang diyalogo ng
bawat tauhan sa nobela ay makikita sa kanilang edad. Halimbawa na lang nito ay
kay Maya na kung saan makikita ang kainosentehan nito sapagkat tanong ito nang
tanong na nangyayari naman talaga sa ibang batang katulad niya. Si Lea na kung
saan ang pananalita niya ay makikita ang pagiging isang ina nito.
III.
Dulog
Ang
nobelang Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa ni Lualhati Bautista ay gumamit ng dulog na
Feminismo sapagkat babae ang
pangunahing tauhan ng nobela, ipinakita sa nobela kung gaano katatag si Lea sa
mga pagsubok na dumating sa kaniya, naipakita rin ang kaniyang pagmamahal sa
kaniyang dalawang anak na kung saan na kahit na may posibilidad na sumama ang
kaniyang mga anak sa kani-kanilang ama pero hinayaan niya pa rin ang mga ito na
sila mismo ang pumili at magdesisyon kung kanino sila sasama. Pinakita rin sa nobela
ang pakikipagsabayan ng mga kababaihan sa mga kalalakihan na kung saan mas
pinili ni Lea na kaniyang trabaho kaysa kay Raffy, naisaad din sa nobela ang
mga palaban na kababaihan sa paglalaban nila sa kanilang karapatan. Naipahayag
din ang pagsali ng mga kababaihan sa protesta laban sa nagaganap na Martial Law
sa bansa.
IV.
Bisang
Pampanitikan
a.
Bisa sa Kaisipan
Sa pagbabasa ng isang nobela ay
kinakailangan ng maraming panahon para basahin ito, lalo na kung ang nobelang
binasa makaluma. Ang nobelang Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa ay maituturing kong
isang napakagandang nobela sa panahon ng Martial Law. Bagaman nakapokus ang
nobela sa karapatan ng mga kababaihan sa mundong ibabaw, ipinahayag din sa
nobela ang mga pangyayaring naganap ng Martial Law. Hindi man ganap na isinaad
sa nobela kung sino ang taong nasa likod ng Martial Law, malalaman kaagad na
tungkol ito sa Martial Law sapagkat nabanggit ang pagkamatay ni Ninoy sa
airport at ang protesta ng napakaraming tao. Para saakin, mas mainam pa rin ang
magbasa ng mga makalumang nobela sapagkat may malalaman kang impormasyon
tungkol sa nangyari sa lipunan noong panahon, kaysa sa mga nobelang nababasa
ngayon tulad ng sa wattpad, puro pag-ibig at nakatuon lamang sa tauhan ang
kuwento, pero ang nobela talaga ay naglalaman ng mga pangyayari sa lipunan.
b.
Bisa sa Damdamin
Ang pagiging isang babae ay mahirap, hindi lang
dahil sa buwan-buwan itong dinadatnan o kaya ay nanganganak. Noong panahon, ang
mga babae ay ang tanging papel sa buhay ay maging karamay ng mga lalaki, sila
ay nasa bahay lang at nag-aalaga ng anak’t asawa. Walang karapatan na gawin ang
gusto niyang gawin sa buhay. Pero pagdaan ng panahon, dahil na rin sa pagbabago
sa lipunan, nagkaroon na nang karapatan ang mga kababaihan, hindi na lamang
pambahay kundi panlabas pa. Si Lea ay maituturing na kababaihan sa modernong
panahon dahil sa ipinaglalaban niya ang kaniyang karapatan bilang babae sa
lipunan. Maraming parte sa nobela ang isinaad ang pakikipaglaban ni Lea sa
karapatan ng bawat tao sa lipunan, kung gaano kasaklap ang mga nangyayari sa
isang pamilyang iniwan ng ama, o di kaya’y nakulong o pinatay. Kahit pa na
babae ang isang tao, makakaya niyang gawin ang isang bagay kung gugustuhin niya
at kaya na nitong makipagsabayan sa mga kalalakihan, hindi na lamang ito
pambahay. Mahirap din ang maging isang ina sapagkat lahat ay kaniyang ginagawa
para lamang sa kaniyang mga anak, si Lea ay isang halimbawa ng babaeng matapang
at mapagmahal. Lahat ng ina ay gagawin ang ikakabuti sa kanilang anak.
c.
Bisa sa Kaasalan
May nabasa akong isang pahayag mula sa facebook na ang mga kabataan ngayong
panahon ay maagang nabubuntis, hindi katulad noong panahon na kapag may asawa
na saka mabubuntis. May nagkomento sa pahayag na iyon na nakapukaw ng aking
pansin, ganito ang kaniyang sinabi “Sadyang matapat na kasi ang mga kabataan
ngayon kaysa noon, lola ko nga pinagbuntis si mama na 17 pa lang siya, tapos
ngayon sasabihin niyo na mas mabuti pa ang kababaihan noon kaysa ngayon” para
saakin, may nabasa na akong ilang akda na nagsasaad na kapag nagustuhan ang
isang babae ng isang lalaki noong panahon na kahit na ang babae ay bata pa, ay
ikinakasal na ito, kaya para nagmumukhang mas mabuti ang ginawa ng mga babae
noon kaysa ngayon. Sa lagay ni Lea na dalawa ang naging anak sa magkaibang
lalaki, hindi na ito bago sa panahon ngayon, mayroon pa nga na iba’t ibang
lalaki ang ama ng isang anak dahil sa kung sino-sino lang ito nagpapaano.
Malungkot man isipin pero ganito na ang nangyayari sa lipunan ngayon, mas
pinapairal ang puso kaysa utak. Sarap bago hirap. Kapag nagbunga ang ginawa,
iiyak, pagkatapos kapag hindi pinanagutan ng lalaki, ipapalaglag ang bata o di
kaya ay magsu-sucide. Malikot na mag-isip ang mga kabataan ngayon, lahat
gustong maranasan agad-agad, hindi iniisip ang mga mangyayari. Pagkatapos, ano?
Iiyak sa magulang at hihingi ng tawad. Hindi masama na gawin ang gustong gawin, pero
kung maaari lamang ay isipin ang mga posibleng mangyari bago gawin ang gusto.
Ipairal muna ang utak bago puso. Masasaktan ka lang pagnagkataon.
V.
Mensahe
Ang “Bata, Bata.. Pa’no ka Ginawa” ay isang nobelang isinulat ng
batikang manunulat na si Lualhati
Bautista. Tungkol ito sa mga dating Filipinong babae na asawa lang dapat ng
kalalakihan. Napakagandang nobela na kung saan malalaman ang mga nangyari sa
lipunan ng panahong isinulat ito at ang katatagan ng isang ina na may dalawang
anak sa magkaibang lalaki. Noong panahon sunud-sunuran lamang ang mga
kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at mga kaibigang
kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na gumagawa lamang ng
mga gawaing bahay, taga pag-alaga ng mga pangangailangan ng asawa o kaya ng mga
bata, wala silang karapatan at hindi nararapat na makielam ayon sa nakaugalian
hinggil sa paksa at usaping panghanap-buhay at larangan ng politika. Subalit
nabago ang gawi at anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa lipunang kanilang
ginagalawan sapagkat nagbago rin ang lipunan. Nabuksan ang mga pintuan ng
tanggapan para sa mga babaeng manggagawa, nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para
mapakinggan ang kanilang mga daing hinggil sa kanilang mga karapatan, na buhay
ang kanilang kaisipan na may tinig sila sa loob at labas man ng tahanan.
Sinalaysay sa nobelang ito ang buhay ni Lea, isang nagtatrabahong ina na may
dalawang anak, -isang lalaki at isang babae. Kung kaya’t makikita rito ang
paglalarawan ng pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan, pagiging ina at kung
paano gaganapin ng ina ang kaniyang pagiging magulang sa makabagong panahon. Sa
pamamagitan ni Lea, ipinakita ng manunulat na hindi sa lahat ng panahon
magiging tahimik ang buhay ng isang tao, kailangang magpasya at makibaka sa
agos ng buhay. Patuloy tayong naghahanap ng kalayaan, tulad ni Lea na ayaw manatili sa kaniyang maliit na papel
na pagiging asawa lang ng kalalakihan mas mainam na sa kaniya ang magkaroon ng
silbi sa lipunang kaniyang ginagalawan. Ngayong modernong panahon, ang mga
kababaihan ay masasabi nang karamay ng kalalakihan sa lahat ng bagay, kaya na
nitong gawin ang kahit na anong trabaho ng isang lalaki.
maraming salamat.. magaling
TumugonBurahinThank you po😊
TumugonBurahinekselente!! kumpleto ang laman. 😄
TumugonBurahinluh
BurahinThank you po
Burahinmaraming salamat po
BurahinSalamat
TumugonBurahinSalamat
TumugonBurahinMaraming salamat po😉
TumugonBurahinMalaking tulong po ang nabigay niyo saamin
TumugonBurahinSalamaattttt
TumugonBurahinCopy paste na!!!
TumugonBurahinMaraming salamat po!
TumugonBurahinMaraming salamat po
TumugonBurahinSana po may panimula,gitna at wakas para madaling mahanap😥
TumugonBurahinnaguguluhan ako sa buod parang medyo iba sa palabas
TumugonBurahinpero salamat malaking tulong to
Salamat🖤
TumugonBurahinMaraming salamat nakatulong ito saaking "Suring-Pelikula"
TumugonBurahinYes salamat talaga
TumugonBurahinbasura
TumugonBurahinSobrang salamat. Nakatulong ng malaki ito sa aking task sa filipino. Thumbs up 🥳🤗🥰
TumugonBurahinmaraming maraming maraming salamat!
TumugonBurahinMaraming Salamat
TumugonBurahinarigatou gozaimas
TumugonBurahinSALAMAT PO SA IYO NAPAKALAKING TULONG MO PO ARIGATHANKS GOZAIMUCH KAMSAMNIDA
TumugonBurahinhahaha a pure weeb
BurahinThank you.
TumugonBurahinwalang kwinta di full story tsee puta
TumugonBurahinBumili ka ng libro ano ka sineswerte libre libre oi wala ng libre sa mundo.
Burahinmga puta kayu mga boobbo
TumugonBurahinmga puta ina nyu
TumugonBurahingusto ko yung hindi boud paano ako makapasa sa aking guro kung di full story tseee wag nalang ang baduy
TumugonBurahinbumili ka ng libro kung gusto mo ng buong kwento. Lahat ata instant gusto mo. Nagmumura ka pa.
BurahinWag ka sa internet humanap puro copy paste ang alam mo mag- aral ka rin oi halatang wala kang future eh.
Burahinwalang tunggalian?
TumugonBurahinAnong kasaysayan ang naganap noong isinulat at inilatha ito noong panahon ni fidel ramos?
TumugonBurahinMga aral?
TumugonBurahinCopy paste na
TumugonBurahinsalamat
TumugonBurahinsalamat fuu
TumugonBurahinthank you po sayooo
TumugonBurahinNice one😊
TumugonBurahinThanks to you
TumugonBurahinMaraming salammat❤
TumugonBurahinNapakayaman ng iyong pagsusuri! Napakahusay! Maraming salamat sa pagbabahagi.
TumugonBurahinHindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
TumugonBurahin𝐾𝑜𝑚𝑝𝑙𝑒𝑡𝑜
TumugonBurahinThank you so much 😇❤️❤️
TumugonBurahinmaraming salamat🥺✨
TumugonBurahinSalamat😊
TumugonBurahinano ang kasugdulan
TumugonBurahinkasukdulan diay
TumugonBurahinBanaag at sikat ni lope k Santos
TumugonBurahinAno po ang tagpuan sa nobela
TumugonBurahinthank you
TumugonBurahinAno po yung kagandahan sa bata bata paano ka ginawa
TumugonBurahinAno po yung kagandahan ng bata bata paano ka ginawa
TumugonBurahinAno po ang limang eksena na tao vs sarili?
TumugonBurahinWala po bamg mga diyalogo?
TumugonBurahinThankyou!
TumugonBurahinMaganda, pero yung babae nag tratrabaho ng tungkol sa human rights pero parang fi nya alam ang karapatan ng tao
TumugonBurahinThanks
TumugonBurahinHi! Ano po ang Katotohan, Kabutihan at Kagandahan? Please pasagot po. Thank you po.
TumugonBurahinAHAHAH ulol
TumugonBurahinThank you po
TumugonBurahinsalamat, mahal na yata kita
TumugonBurahinAyy bakit di same sa suring na ginawa ko sa kwento ni ang matanda at ng dagat .. bat di same?
TumugonBurahinWala po ba yung buong kwento ?
TumugonBurahinThank you po for your effort
TumugonBurahinbobo nyo kulang yan
TumugonBurahintuwang tuwa ang mga hinamungkal dahil may sagot na sila sa module nila oh......
TumugonBurahinAno po Yung mahahalagang pangyayari
TumugonBurahinMaraming salamat po~~~
TumugonBurahinMaraming Salamat sa gumawa nire
TumugonBurahinthank you so much, very useful for my Filipino 9 class..God bless.
TumugonBurahin