Biyernes, Hunyo 30, 2017

Pagsusuri sa Tulang Pagsalat sa Pilat ni Kristian Sendon Cordero



Pagsalat sa Pilat
ni Kristian Sendon Cordero

I.                   Deskripsyon
A.    Uring Pampanitikan
Ang Pagsalat sa Pilat ni Kristian Sendon Cordero ay isang uri ng akdang pampanitikan na tula na kung saan ay isa itong kayarian ng tula na makabago o may malayang taludturan na kung saan walang sukat at tugma at hindi rin sumusunod sa de-kahong taludturan. Marami din ang tayutay sa tula na kung saan ay may pagkakahawig ito sa tulang tuluyan o prosa ngunit and diwang nakapaloob ay masigasig.
II.                Pagtalakay
a.      Mga Dulog
·         Realismo
Ang realismo ang isa sa mga napili kong dulog sapagkat nagpapakita ang tula ng mga pangyayaring nagaganap sa lipunan. Bagama’t kinakailangan pa ng malaman ang malalim na kahulugan nito, hango pa rin ito sa totoong buhay at isinaalag-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng tula.

·         Eksistensyalismo
Ang layunin ng tula ay ipakita ang sugat na nangyari sa kaniya. Ipinakita rin sa huling bahagi ng tula ang pagdedesisyon ng persona para sa kaniyang sarili na makisabay sa gulo ng mundo upang manatili sa mundong ibabaw.

·         Siko-analitiko
Ang dulog na ito ang isa pa sa aking napili sapagkat nagpapakita ang tula ng kahirapang nagaganap sa bansa na kung saan maraming kaguluhan ang nangyayari.

b.      Tayutay
“Lumangoy ako sa magkahalong burak at baha na parang suka”
            -Simile o Pagtutulad: sapagkat naghambing ito na ginamitan ng katagang parang na kung saan ipinaghambing nito ang suka ng isang dambuhala.

“Sana’y nakuha kong lunurin ang takot”
            -Hayperboli o Eksaherasyon: Pinakukulang ang kkahulugang taglay ng mga salita sa linyang ito.

“… na ngayon ay payapang ginagawang pataba ng lupa?”
            -Tanong pasayusay o Tanong Retorikal: ang bahaging ito ng tula ay nagtatanong na wala namang inaasahan na kasagutan.

III.             Bisang Pampanitikan
a.      Bisa sa Isip
Ang tulang isinulat ni Kristian Sendon Cordero ay maituturing na isang makabuluhang tula sapagkat mapapa-isip ang sinumang makakabasa ng tulang ito dahil sa karamihan sa mga salita ng tula ay mayroon iba’t ibang kahulugan na nais ipahiwatig katulad na lamang ng linyang ito “ Maaari bang maglanggas sa panahong unti-untiing nalalagas ang mga natitirang dahong pilit kumakapit sa sangang kalansay.” Ang mga katagang ito ay maaaring bigyang kahulugan na kung saan ang patuloy na pagkapit sa isang bagay na siya na mismo ang nagbibigay paraan upang sumuko na. At ang isang linya pa na tatatak sa isipan ay ang “Sa isang banda, marahil may isang hindi na hihingiing iabot pa ang sukli, nagmamagandang loob:’Abuloy ko na yan’Ne…’, sabay hawak sa kamay ng batang tinder at tiklop ng kaniyang mata na parang dalagang pasaklot na hinangin ang suot na palda” dito maaaring ibig ipahiwatig ng manunulat na karamihan sa mga kabataan ngayon ay nakaranas ng rape na kung saan walang magagawa ang bata upang tanggapin ang alok dahil sa kahirapan. Ang tulang ito ay siya namang napakaganda at talagang mapapa-isip ka sa mga katagang may malalalim na kahulugan.

b.      Bisa sa Damdamin
Mababakas sa bawat magbabasa ng tulang ito ang sakit na nais ipahatid ng awtor sa mambabasa na kung saan isinaad sa tula ang sugat na naranasan. Noong unang binasa ko ang tulang ito ay masasabi kong hindi ko ito maintindihan sapagkat hindi malinaw saakin kung paano ko sisimulan hanapin ang nais ipaiwatig ng manunulat. Makailang ulit ko ito binasa may maiilan ila na akong nauunawaan ngunit karamihan pa rin ay hindi, kinakailangan ng matinding pag-iisip upang malaman ang nais ipahiwatig ng manunulat sa mambabasa. Nang maintindihan ko ang ilan sa bahagi ng tula ay parang ipihahatid ng manunulat ang sugat na natamo ng isang biktima ng rape. Nakakalungkot isipin na ang panahon ngayon ay marami na ang masasamang tao na kakayaning gumawa ng isang bagay na hindi
kanais-nais.
c.       Bisa sa Kaasalan
Katulad nga nang isinaad ko sa itaas, masyado akong nahirapan na unawaiin ang tula sapagkat nahihirapan akong hanapin ang nais ipahiwatig ng manunulat sa tula. Pang-ilang beses koi to binasa at napagtanto ko na maaari ay ang ibig ipahiwatig niya rito ay tungkol sa mga kabataang mahihirap na biktima ng kaharasan dahil na rin sa mga nakasaad sa tula na mga darayong turista at abuloy ko nay an ne na walang magawa kundi kunin ang kamay ng nag-alok. Saakin lamang, dahil sa kahirapan kaya wala nang magagawa ang ilang kabataan na kumapit sa patalim. Nakakalungkot lang isipin na parami nang parami ang bilang ng mga biktima ng kaharasan sa bansa at wala man lang tayong maitulong upang baguhin ang ganitong sistema.

IV.             Sariling Kaisipan
Muli, para saakin karamihan sa tula ay hindi ko naiintindihan at talagang sumakit ang aking ulo sa pag-intindi kung ano nga ba ang ibig iparating ng manunulat sa tula. Ang iba ay hindi ko rin makuha sapagkat bago ang ilang kataga sa aking bokabolaryo. Ngunit ito lamang ang masasabi ko sa tula, nararapat lang na makuha ang gantimpala na nakuha nito sapagkat napakamakaboluhan ng nais ipahiwatig nito na hindi lang iisang beses mo ito babasahin kundi maraming beses upang higit na maisip kung ano nga ba ang nais ipahiwatig o ipadama ng manunulat sa mababasa nito, talagang isang napakahusay na manunulat ni Kristian Sendom Cordero, mayroon na rin akong nabasang tula niya pero ito ang pinakanapa-isip akong mabuti dahil sa marami siyang ipinang-palit tawag sa mga katagang nais niyang ipahayag. At dahil dito, talagang sumasaludo ako sa lahat ng manunulat ng mga akdang pampanitikan dahil ako mismo ay nahihirapang gumawa ng ganitong klaseng akda.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento