Lunes, Pebrero 17, 2020

Pananaw tungkol sa Sarili kong Buhay

Sinimulan ko ang blog na ito ng ako'y nasa ikalawang taon sa kolehiyo. Inilagay ko rito ang mga ilang nagawa kong pagsusuri sa aking asignatura. 

Ngayon. Makalipas ng tatlong taon. Ako'y muling bumabalik upang ihayag ang aking pananaw tungkol sa buhay.

Ano nga ba ang buhay?

Bùhay? Buháy? 
Depende sa gamit ng diin. 

Buhay o kung tawagin sa Ingles ay Life. sabi nila ang buhay ay siyang paggising mo sa umaga na nagpapasalamat ka kaagad sa Diyos.

Sa akin naman, ang buhay ay pagkakaroon ng sigla tuwing bubuhat sa kama. 

May nabasa ako sa Facebook. "You sleep and dream or you wake up and pursue that dream" ito ang tumatak sa aking isipan at lagi kong natatandaan tuwing gumigising sa umaga. 

Lahat naman tayo ay gustong maabot ang ating mga pangarap ngunit ang tanong.

Ano nga ba ang pangarap ko? 
Bakit ba ako bumabangon?
Hindi ako nakakaramdam ng excitement
Hindi ako namomotivate na magturo.

Hindi ko na alam ang pangarap ko.

Akala ko dati, ang ginagawa ko ngayon ay siyang pangarap ko. 

Ngunit, ngayon na nandito na ako. Hindi pala ito ang pinapangarap ko.

Kaya naman simula nanaman ako sa simula. 

Bakit ako nabubuhay?
Kanino ako nabubuhay?
Paano ako nabubuhay? 

1 komento:

  1. Your Affiliate Profit Machine is waiting -

    And making profit with it is as simple as 1 . 2 . 3!

    This is how it all works...

    STEP 1. Tell the system what affiliate products you want to push
    STEP 2. Add some PUSH BUTTON traffic (it LITERALLY takes JUST 2 minutes)
    STEP 3. See how the system explode your list and sell your affiliate products on it's own!

    So, do you want to start making money?

    Your MONEY MAKING affiliate solution is RIGHT HERE

    TumugonBurahin