Linggo, Marso 12, 2017

Pagsusuri sa Maynila: Sa Kuko ng Liwana



Pamagat: Maynila sa Kuko ng Liwanag
May-akda: Edgardo M. Reyes

Buod:
Sa simula, si Julio isang lalaking karaniwan sa bukid na buhok ay tumatambal,malaginto sa kauhawan sa porma, dibdib na wari’y bariles dahil sqa malaki nitong maselat makakapal na kamao ay hindi matatagpuan sa bukid kundi sa mga lansangan ngLungsod. Maaaninag sa kanyang itsura na siya ay maralita. Umaga noong Marso, siya aynakatayo sa Issac Peral, nangangamba sa pagtawid. Dahil sa mga animo’y mabangis nasasakyan sa kanyang harapan. Sa kanyang patuloy na paglalakad natunton rin niya angkanyang paroroonan. Sa gusali ng The Future La Madrid Building Architectural Design:T.S. Obes and Associates. Naroroon siya upang maghanap ng trabaho at hindi naman siyanabigo. Pinasok siya sa pagpipiyon, kahit na mas malaki ang sahod iya sa dati niyang pinagtratrabahuan sa konstruksyon na matatapos na sa Cubao. Kaya’t hindi niya itonahindian. Doon nakilala niya si Omeng na naghatid sa kanya sa lugar ng kanyang pagtratrabahuan, sa mga naghahalo ng simento. Sila ay sina Atong at Benny na tigatakalng graba at buhangin. Si Imo naman ang nagtutubig at nag-uuho ng simento. Dahil samatinding init ng araw, gutom at hirap ng trabaho hinimatay sa Julio at agad siyangsinaklolohan ni Atong at ibinigyan ang baon nito upang maibsan ang nararamdamanggutom.Dahil sa inalmusal ni Julio ang baon ni Atong. Nananghalian naman siya sa baonni Omeng. Ibinahagi nito ang baong tatlong pritong galunggong at kamatis. Mataposnilang mananghalian sila ay nag-umpok-umpok at nagkwentuhan habang namamahinga.Sa pagkwekwentuhan ng apat nalaman nila na si Julio ay taga- Marinduque, doon siya aymangingisda. Matapos nito bumalik na sila sa kanilang trabaho. Kinahapunan ay pumilasila kay Mister Balajadia upang lumagda sa kanilang pay-roll. Dahil sa walang matirahan si Julio, napagpasyahan niyang magpalipas ng gabi sa sa mismong konstruksyon site.Bago pa man umuwi sina Omeng at Atong binigyan nila si Julio ng tig-diyes sentimo. Sakonstruksiyon site kasam niya si Benny at Imo na isang estudyante sa kolehiyo. Lumabassi Julio at naglakad lakad ito sa malapit na parke.Isang umaga, matapos mag-almusal nina Julio,nabalitaan nilang may napatay naordinaryong mangagawa kagabi. Sina Atong ay nagkausap tungkol ditto. Samantala siJulio ay naibagsak ang sako ng simentong hawak. Naisip ni Julio, bakit niya pinatay angkatulad niyang ordinaryong mangagawa dahi sa maliit na halagang limang piso.Bumaling na lamang sa paghahalo ng simento si Julio. Samantalng si benny naman, nakilalang masiyahing tao ay naaksidente habang sila ay nagtratrabahoi. Di akalaing lubosng kanyang mga kasama na ito na ang huli trabaho nito. Ang masaklap pa ay namatayitong dukha. Si Atong naman ay masuwerteng daplis lang ang natamo sa masaklap naaksidente. Dahil ito ay hirap lumakad inihatid ito ni Julio sa kanilang tahanan.Sa pagkakahatid ni Julio kay Atong. Nakita niya sa daan ang realidad ng hirap ng buhay. Mula sa Bus, bumaba sila sa North Boulevard na patunong Estero Sunog-Apo. Saesterong ito nananahan ang ama at kapatid na babae ni Atong. Si Perla kapatid ni Atong na sumalubong sa kanilang pagdating. Siya ay tumatanggap ng pagantsilyuhing kobrekama. Samantalng ang ama naman niya ay paralitiko dahil nakipaglaban sa naiskumamkam ng lupang kinatitirikan ng tahanan nila sa Quezon City kaya siya a binaril attinamaan sa buto.Araw ng Sabado, ito ang araw na pinakahihintay ng mga trabahador dahilibibigauy na ang kanilang pinagpaguran sweldo. Kahit na nadaya si Julio ni Mister Balajadia sa sweldo niyang kinse pesos, ayos lang. Napagpasyahan niyang mamili ngdamit at tsinelas kaya’t nagpasama siya kay Atong sa Central Market. Matapos mamilikumain sila ng goto at nagkwentuhan tungkol sa mapait na nangyari sa nobya ni Julio.Gabi na ng makabalik sa Julio sa gusaling kanyang tinutuluyan. Matagal na si Julio sa Gusaling pinagtratrabahuan. Si Mister Balajadia aynagpasyang magbawas ng tao at kasamang matatanggal si Julio. Dahil patapos na anggusali kaya pinapa-unti-unti na ang mga taong nagtratrabaho roon lalo na sa piyon. Isanglingo nalang ang itatagal niya sa trabaho. Napag-isip niyang manuluyan pa rin sa bodegang gusali para may matulugan lamang. Ngunit hindi siya pinayagan ng gwardia ng gusali.Lumabas si Julio at naglakad-lakad sa malamig at marahas na lungsod, hangang maratingniya ang kalye ng A. Mabini.Sa patuloy na paglalakad ni Julio nagawi ito sa Santa Cruz sa may Misericordiakung saan marami siyang nakitang sulat intsik. Nagpagala-gala siya at natulog sa kalye.Sa matandang apartment sa Doroteo Jose, kumatok siya at nagtanong tungkol sa babaengnagngangalang Misi Cruz na kumuha kay nobya niyang si Ligaya, ngunit isang lalaki angnagbukas ng pinto at kunot ang noong sumagot na wala ang hinahanap niyasa bahay naiyon. Unti-unti inalala ni Julio ang sinabi ni Pol at Imo sa kanya, na maaaring ipinasok sakasa at ibinenta sa Intsik si Ligaya upang pakasalan. At isang araw, sumulat si Misis Cruzsa ina ni Ligaya at ayon sa sulat ang kasintahan niya ay nawawala at bukod pa rito ayninakawan pa raw siya ng Diyamanteng hikaw. Isang pagkakataon, nakita ni Julio saMisis Cruz na pumasok sa tinitirahan nito sa Doroteo Jose. Patuloy siyang nagmanman,hindi naman siya nabigo sa pagsunod_sunod niya sa mga pinupuntahan ni misis cruznakarating siya sa Sta Cruz sa lugar kung saan maraming nakasulat na intsik. Matapos pumasok ni Misis Cruz sa isang pintuan. Agad siyang kumatok at nagtanong sa isangkatulong. Kung mayroon nakatira Ligaya Paraiso roon. Ngunit biglang may dumating naintsik mula sa loob na nagngangalang Ah Tek at pinagsaraduhan siya ng pinto.Bumalik sa gusaling pinagtratrabahuan si Julio. Sa kanyang pagbabalik siya ay pinakiusapan ni Imo na humalili sa kanya kinabukasan dahil mag-aaplay siya saAdvertising Company. Dahil nalaman ni Mister Balajadia na nagsisinungaling sa Imotungkol sa kunwaring may libing siyang pupuntahan agad siyang tinangal sa listahan. Ngunit magkaganoon man swerte pa rin niya dahil natanggap siya sa opisina. Kumalatang balita hanggang obrero. Masaya sina Gido, Atong, Omeng at Frank sa tinatamasa ngkanilang kaibigan. Nanunuluyan si Imo sa Vito Cruz. Araw ng Linggo at araw ito ng

II. Pagtalakay
A.    Tauhan
   Julio ay isang mangingisdang taga-Marinduque na pumunta sa Maynila upang hanapin ang kanyang kasintahang si Ligaya o Ligaya Paraiso - kasintahan ni Julo na lumuwas sa Maynila dahil  pinangakuan siyang bibigyan ng trabaho ngunit naging biktima ng  prostitusyon

Pol ay ang matalik na kaibigan ni Julio na laging tumutulong sa kanyang mga  problema

Atong  ang mabait na kaibigan ni Julio na nakatrabaho niya sa isang construction site
Ah Tek ay isang Intsik na bumili kay Ligaya sa prostitution den; nagkagusto siya kay Ligaya kaya pinakasalan niya

B.     Tagpuan
Maynila- sa lugar na ito halos nangyari ang lahat ng pangyayari sa kuwento.

C.     BANGHAY

a.       PANIMULA


Si Julio ay napadpad sa Maynila mula sa probinsya. Siya ay namasukan sa isang construction site. Hindi sapat ang kaniyang kita gayundin ng kaniyang mga kasamahan pagkat maliit lang ang sweldo roon. Si Julio ay nakitira sa kaniyang kasamahan rin sa trabaho.

b.      SAGLIT NA KAKINTALAN

Noong malapit nang matapos ang gusaling iyon, nagbawas na ng mga trabahador ang nagpagawa ng gusali. Isa sa mga tinanggal at nabawas si Julio bilang construction worker. Dahil doon ay umalis rin si Julio doon sa tinitirahan niyang bahay.

Naisip niya ang kanyang kaibigang si Pol. Dahil doon ay hinanap niya ito at doon rin siya nakitira sa kaibigan niya. Dahil rin kay Pol ay nakahanap ng regular na trabaho si Julio at kumikita na siya ng maayos.

Isang gabi habang naglalakad si Julio ay parang naaninag niya ang kanyang kababayang si Ligaya, ngunit hindi niya sigurado kung si Ligaya nga iyon sapagkat nakita niya lang ito sa isang parang paupahan.

c.       PAPATAAS NA AKSYON

Noong hinahanap ni Julio ang nanakaw niyang wallet ay nakita niyaa si Linda, ang kanyang kababata at kaibigan sa probinsiya. Niyaya niya itong kumain sa isang restawran at naikwento ni Ligaya na nagging biktima siya ng prostitusyon sa Maynila. Ngayon ay may nakilala siyang isang Intsik na nagngangalang Ah Tek. Niyaya ni Julio si Ligaya na tumakas na sa Maynila at umuwi na ng probinsiya. Napagplanuhan nilang magkita sina Ligaya at Julio mula alas dose hanggang alas tres.

d.      KASUKDULAN

Hindi sumulpot si Ligaya sa napagplanuhan nila ni Julio. Nabalitaan niya sa kanyang kaibigang si Pol na namatay pala si Ligaya sapagkat nahulog ito mula sa taas ng kanyang tinutuluyan.

e.      PABABANG AKSYON

Labis na naghinagpis si Julio nang malamang patay na si Ligaya. Tahimik lamang siya hanggang mailibing si Ligaya.

f.        WAKAS

Natapos ang kwento na napatay ni Julio ang kasintahang Intsik ni Ligaya na si Ah Tek.

D.    TUNGGALIAN

Tao laban sa lipunan, sapagkat si Julio at si Ligaya ay mga probinsyano at dahil doon ay tinatrato silang maliit at hamak lamang ng mga taga- Maynila.

Tao laban sa Sarili : Hindi mapigilan ni Julio na makapagnakaw sa isang lalaki. Higit pa, hindi niyang sinasadyang mapatay ito.
Tao laban sa Kalikasan : Malaki ang dinanas na hirap nina Julio at Ligaya sa Maynila. Gutom, prostitusyon, kawalang hustisya ang ilan sa mga ito


III.    Dulog
Ang kuwentong Maynila sa kuko ng liwanag ay gumamit ng dulog na Moralistiko sapagkat nagpapakita ito ng mga kaugalian ng mga tao na naninirahan sa Maynila. May mga taong hindi maalam mag-alaga ng sarili at maging masipag. May mga iba rin na nandadaya at nangunguha ng pera sa ibang tao. Hindi rin pantay-pantay ang pagtrato sa mga Pilipino. Ang ibang mayayaman, ibis na tumulong sa kapuwa mahirap ay lalo pang pinahihirapan kaya dumadami ang kahirapan sa bansa. Kasakimaan, kawalang hustisya, at pagka-ignorante ang mga nagdulot ng kahirapan. Ipinakita sa kuwento ang pagkakaiba-iba ng ugali ng bawat mamamayan na naninirahan sa Maynila. Ipinakikita rito ang iba’t ibang uri ng tao na maaari nating makasalamuha sa pang-araw araw, nakita ko rin na iba’t iba ang ugali ng mga tao lalo na sa Maynila Mas marami pa rin ang nakita ko sa nobelang kabutihang ginawa kesa sa kasamaan dahil lamang sa pera.

Simbolismo sa Nobelang Sa Kuko ng mga Liwanag


Sa Kuko ng mga Liwanag Sinisimbolo nito ang nakakasakit na pang-aakit ng pangsisilaw ng liwanag ng Maynila. Ang mga karakter na napapunta sa Maynila na may mga malalaking  pangarap ay naloko lamang.

Ang pangalang Ligaya Paraiso ay tumutukoy sa isang bagay na puno ng kagandahan at kasayahan. Ngunit kabaligtaran ang lahat ng nangyari kay Ligaya. Kagaya ng Maynila na kung saan umasa si Ligaya na magbibigay sa kanya ng magandang buhay ay nagdulot lang sa kanya ng problema.

Ah Tek - Mula sa lumang salitang Filipino na “atik” na ang ibig sabihin ay pera,
sinisimbolo nito ang mga Intsik noong panahon ni Reyes na makapangyarihan dahil sila ang may hawak ng pera.

Ang pangalan ni Julio ay galing sa pangalang Julius Caesar. Si Julius Caesar katulad ni Julio ay may malakas na karakter na hindi basta-bastang sumusuko sa anumang pagsubok. Si Julio ay matatag kahit siya ay naghihirap na. Ngunit ang  pagkamatay niya ay nagsimbolo ng pagkawalang-hustisya at pagkamatay din ng  pag-asa.

Estero Sunog- Apog Ang Estero Sunog-Apog ay isang maduming lugar na wari lahat ng kapangitan sa mundo ay naroon na. Tinutukoy nito ang Maynila na nasisira na ang kagandahan at puro kapangitan lang ang meron, kahit sa lugar man o sa mga taong nakatira roon.


IV. Reaksyon
Kahirapan ang dahilan kung bakit maraming Pilipino ang hindi nakakakain. Madami ang nawawalang trabaho at marami ang nagtitiis ng hirap. Madami rin ang hindi nabibigyan ng pagkakataong mag-aral kaya lalong hindi umaasenso ang kanilang buhay. Naapektuhan ang buhay ng ibang Pilipino kaya nawawalan sila ng pag-asa upang magsikap at mabuhay. Nagandahan ako sa aking binasa pati sa mensaheng pinaparating nito.  Naisip ko na sa buhay sadyang hindi pantay-pantay ang mga tao. May mga nakakalamang, may mga naghihirap. Pero kahit anong kapalaran, tayo pa rin ang may hawak ng ating buhay. Tayo ang may desisyon kung ano ang gusto nating gawin at makamit. Kahit gaano kasama ang mundo, nasa sarili natin kung paano ito papagandahin.