Lunes, Pebrero 17, 2020

Pananaw tungkol sa Sarili kong Buhay

Sinimulan ko ang blog na ito ng ako'y nasa ikalawang taon sa kolehiyo. Inilagay ko rito ang mga ilang nagawa kong pagsusuri sa aking asignatura. 

Ngayon. Makalipas ng tatlong taon. Ako'y muling bumabalik upang ihayag ang aking pananaw tungkol sa buhay.

Ano nga ba ang buhay?

Bùhay? Buháy? 
Depende sa gamit ng diin. 

Buhay o kung tawagin sa Ingles ay Life. sabi nila ang buhay ay siyang paggising mo sa umaga na nagpapasalamat ka kaagad sa Diyos.

Sa akin naman, ang buhay ay pagkakaroon ng sigla tuwing bubuhat sa kama. 

May nabasa ako sa Facebook. "You sleep and dream or you wake up and pursue that dream" ito ang tumatak sa aking isipan at lagi kong natatandaan tuwing gumigising sa umaga. 

Lahat naman tayo ay gustong maabot ang ating mga pangarap ngunit ang tanong.

Ano nga ba ang pangarap ko? 
Bakit ba ako bumabangon?
Hindi ako nakakaramdam ng excitement
Hindi ako namomotivate na magturo.

Hindi ko na alam ang pangarap ko.

Akala ko dati, ang ginagawa ko ngayon ay siyang pangarap ko. 

Ngunit, ngayon na nandito na ako. Hindi pala ito ang pinapangarap ko.

Kaya naman simula nanaman ako sa simula. 

Bakit ako nabubuhay?
Kanino ako nabubuhay?
Paano ako nabubuhay? 

Biyernes, Hunyo 30, 2017

Pagsusuri sa nobelang Ligo na U, Lapit na me ni Eros Atalia


Layunin:
Nasusuri ang NobelangLigo na U, Lapit na Me” ni Eros S. Atalia


Ang Ligo na U, Lapit na Me” ay isinulat ni Eros S. Atalia na kung saan tungkol ito sa kung paano nagkakilala si Intoy at Jenny at minumulat din ng nobelang ito ang mga pangyayari sa Maynila At ang mga masasamang bisyo katulad ng pag-inum ng alak at paninigarilyo, narito rin ang  kung papaano nakikita at nakakakuha ng mga babaeng bayaran.
  Angkop ang pamagat sapagkat ito ang naging paraan o senyas ni Intoy kapag maglalaro sila ni Jenny. Upang hindi makahalata ang mga kaklase nila ay nauuna si Jenny ng mga 15 minuto papunta ng motel at saka hahanap ng tiyempo si Intoy para makalayo sa mga kaklase at dito niya itetext si Jenny naLigo na U, Lapit na Me.”



Eros S. Atalia

Nakapagtapos  sa Philippine Normal University (PNU) noong 1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education major in Filipino at tumanggap ng Balagtas Award

Naging Fellow rin siya sa Gawad Soc  noong 2007 at sa UP-ICW Writers   ng taong ding iyon.


Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996.


Nagsulat din siya sa mga pambansang pahayagan at naging isa sa mga editor ngKamasutrana isinalin sa Filipino


Naging creative consultant din siya ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph.


Naging Junior Researcher sa Social Research Center, dating Junior Associate ng Center for Creative Writing and Studies at nagtuturo  ng Filipino at Filipino Journalism sa Faculty of Arts and Letters sa UST.


Isinilang, lumaki at naninirahan  sa Cavite City




Uri ng Panitikan
  AngLigo na u, Lapit na me” ay isang uri ng nobela na nangangahulugang isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari rito ay hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao, sumasakop sa mahabang panahon at ginagalawan ng maraming tao.

  Isang uri ng nobelang banghay sapagkat nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa at maaari din itong nobela ng pagbabago sapagkat maraming parte ng nobela ang tungkol sa mga pangyayari na nagaganap sa Maynila tulad na lamang ng traffic, kahirapan at sa mga Politiko at Pastor.




Estilo
  Ang pagsulat ng banghay ay kakaiba sapagkat gumamit si Eros Atalia ngFirst Person Point of View” kung saan si Intoy lamang ang nagsasalaysay ng kuwento. Gumamit din si Eros Atalia ng paraan na pagsulat na pagbabalik tanaw o flashback kung saan ibinalik ni Intoy ang kuwento sa kung paano sila nagkakilala ni Jenny. Mayroon din itong diyalogo upang mas maramdaman ng mambabasa ang gustong sabihin ng bawat tauhan. Ang ginamit naman na salita ay ang balbal na salita sapagkat may mga salita sa kuwento na salitang kanto tulad ng Ermat at Erpat. Gumamit din ng salitang pambansa dahil naiintindihan o nauunawaan ang mga salitang ginamit. 


 
Buod at Tauhan


Nagsimula ang kuwento sa loob ng klasrom kung saan sumasagot sila sa exam sa physics ng biglang mag-vibrate ang cellphone ni Intoy.
 
Nong ideal d8 mgsuicide?”
Mya n lng, bc pa me.”
Nang matapos ang exam ay  kinausap ni Jenny si Intoy  kung kailan ang best day para mag suicide at binigyan si Intoy ng tsokolate. At natandaan ni Intoy ang unang pagkikita nila ni Jen na kung saan ay binigyan niya ito ng tsokolate at hinati ito ni Jen, napaisip si Intoy na maganda  nga matakaw naman. Pero minsan ng umuwi si Intoy ay may nakita siyang tsokolate sa kaniyang bag. Kinabukasan ay tinalupan niya ito sa harap ni Jen at inalok sa kaniya. Nagkangitian sila.


Enero- next week ay prelims. Busy ang lahat sa pag-aaral at pagkuha ng exam.
Pebrero- Valentines Day, hoarding ng bulaklak sa Dangwa sa Samplaloc. Malamang ini-recycled na ang mga bulaklak na ibinigay galing sa mga mag syota. EDSA- People Power 1 celebration din, suspended ang klase at matrapik. Chinese New Year din pangit naman daw kung may masasalubong ang Dragon Dance ng libing akalain pa ng ilan ay tuwang tuwa ang mundo sa pagkakamatay niya.
Marso- Fire Prevention Month. Abala ang kalsada sa pagkakampanya ng mga bumbero. Final na rin. Busy ang lahat lalo pa’t malapit na ang graduation. Busy na rin ang ilan sa pagpapabook sa summer destination.
Abril- Mahal na Araw. Busy ang lahat sa pagbasa ng pasyon, pabasa, senakulo at penitensya. Pangit tignan na sumusunod sa karo ang mga kristu-kristuhan samantalang pasan-pasan ang krus-krusan habang hinahagupit ang mga hudyu-hudyuhan. April’s Fool day rin, baka hindi seryosohin ang libing.

 
Mayo- pangit din. May 1 palang rally na. Pangit tignan na habang ngumangawa ang mga nakikipaglibing ay sumisigaw rin ngMakibaka, Huwag Matakotang mga mangagawa. Buwan din ito ng piyesta. Finals din ito ng ga kumukuha ng summer class at finals  din ng mag pacontest. Baka matapat din sa Eleksiyon.
Hunyo- simula na ang pasukan, busy ang lahat sa pamimili ng gamit. At dahil opening ng klase, malamang trapik. Marami din ang nagpapakasal sa buwan na ito at bawal sumilip sa patay ang bagong kasal. Independence day rin at Alay-Lakad. Baka magkapalitan pa ng mga tao sa makikipaglibing at nakikiparada.
Hulyo- buwan ng nutriisyon, makakasalubong ng karosa ang mga prep at nursery na nakabarandal ang islogang parang nangangantyaw.
Agosto- Buwang ng Wika busy ang lahat sa pag-aayos at pagprapraktis ng sabayang pagbigas. Kaliwa’t kanan din ang bagyo.
Setyembre- Martial law. May demonstrasyon din sa buwang ito.


Oktubre- finals na at nasa probinsya na ang iba. Alangan namang lumuwas lang ang iba para lang makiramay sa kaniya.
Nobyembre- Todos los Santos, kakaalis lang ng sementeryo pababalikin kaagad.
Disyembre- Christmas busy ang lahat sa pamimili ng regalo at pang Noche Buena. Tapos habang tinutugtog ng karo ang “Hindi kita Malilimutan” ay maririnig din sa paligd ang “Jingle Bells” at  Pasko na naman



Mag-iisang taon na ang gawain na iyon nina Intoy at Jen, kung hindi sa coffee shop o mall misan sa library pero ang madalas ay ang paglalaro nila. Sa depinisyon ni Jen sila ay Friends with Benefits at isa raw iyon sa mga benepisyo nila. Noong una, malabo at magulo. Pero parang totoo pero ayaw aminin ni Intoy na mahal niya si Jen.


Third year ng mgakakilala sila ni Jen, kaklase niya ito sa major subjects. Galing si Jen sa isang pribadong paaralan na pinapatakbo ng mga banal.
Supaldo si Intoy sa magaganda, ito ang paraan niya upang mapansin siya ng mga babae. Ayun, nacurios si Jen. Minsan tinanong niya si Intoy habang papauwi. “How’s your sex life?”

 
Umiiyak si Jen, panay ang higo ng kape at hithit ng sigarilyo. Walang kibo. Yumuyugyog ang balikat. Naglabas ng pocket book at binasa.  Hindi naman talaga sila pero dati nakipaghiwalay na si Jen.


Nanginginig  ang kamay na iniabot ni Jen ang kapirasong supot ng plastic. Pregnancy test strip. Dalawang linya. Napamura si Intoy at parang nanigas sa isang pitsel na malamig na tubig pero ng sinabi ni Jen na hindi ito kay Intoy ay para naman itong natunaw sa isang kutsarang mainit na tubig.


Dalawang Buwan simula ng mawala si Jen nakagraduate na rin si Intoy ngunit hindi pa rin niya malimutan si Jen. Tambay sa bahay si Intoy habang umaasang may tatawag sa kaniya galing sa inaaplayan niyang trabaho at baka sakali kay Jen. Siguro ay closure lang ang hinahanap ni Intoy. Si Jen ay isa sa mga chapter ng buhay ni Intoy. Pero sa ngayon daw ay hanap muna ng trabaho, jackpot na lang kung makita’t makausap si Jen. Baka hindi niya kailangang hintayin ang ending. Baka kailangan na niyang gawin.


 
Tunggalian:
Tao laban sa sarili
Sapagkat ipinakita sa kuwento kung paano hinarap ni Intoy ang kaniyang buhay na wala si Jen sa kaniyang tabi.
Tao laban sa Kapaligiran
Sapagkat ipinakita rito ang sistema ng bansa, ang trapik, ang mga masasamang bisyo at kung ano-ano pa.



Tagpuan
Paaralan
  Kung saan unang nagkita at nagkakilala si Jen at Intoy
South
  Dito nakatira sa isang subdibsyon si Intoy
Mall (Coffee Shop)
  tambayan nila tuwing vacant.
Motel
  Dito sila madalas maglaro ni Jen.




Gamit ng wika
 Ang ginamit na kategorya ng wika ay Di-Pormal sapagkat ang mga salita ay karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Nasa kolokyal na uri rin ito sapagkat pinaiikli ang isa o dalawang salita upang maging inpormal halimbawa na lamang ng salitangmayroonna nagingmeron”, “ayaw kona naging ayoko, “nasaanna nagingnasan” at iba pa.